Ang pagsusulat ng tula ay parang pagtugtog ng cello, sing-kulay ng salita ang tunog.
Ngunit bago magsimula ang kagandahan ng sining sa iba’t-ibang larawan, kailangan munang pag-isipan. Kumbaga, ika’y huhugot ng inspirasyon sa iba’t-ibang sulok ng iyong buhay.
Kadalasan, ang inspirasyon ko ay ang “pagmamahal”.
Pagmamahal sa kahit ano man na tinutuunan ko ng pansin at madalas ito’y nahahanap sa isang dalagang aking ninanais.
Sa pagtula at pagtugtog, dinadaan ko ang mga salita at nota ng aking kamay at inihahambing ang bawat tunog at letra sa anumang inspirasyon ko.
Bawat talinghaga ay katumbas ng malinis at buong-buo na nota at ang katapusan ng salita ay may kasunod na tunog ng cello.
Sa bawat pagtugma ko ng mga salita ay kasing kulay narin ng pagdugtong-dugtong ng nota sa piyesa.
At sa pagtatapos ng huling pagbagsak ng nota, naitaas narin ang bolpen para sa tula.
No comments:
Post a Comment