Ito ang kalipunan ng mga tula at talumpati ng mga miyembro ng klaseng 4C para sa kanilang proyekto sa asignaturang Filipino.

Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.

Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda

Talumpati ni Angelo Santos

Sa apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, ano nga ba ang aking masasabi? Masasabi kong natuto akong maging maka-Diyos. Natuto akong maging makatao, at higit sa lahat, natuto akong maging Atenista. Ngunit, ano nga ba ang sukatan ng tunay na Atenista? Ito ba ay nasa kanilang mga aria-arian o hindi kaya'y sa kanilang suot? Ang pagiging Atenista ba ay ang pagiging mas "mataas" sa kapwa? Sa totoo lang, wala sa mga ito ang tumutukoy sa pagiging Atenista. Ang pagiging Atenista ay nasa pagsuot ng pagkatao, at hindi ng uniporme. Ang pag-aaral sa Ateneo ay hindi sapat na batayan para tawagin kang isang Atenista. Ipinapakita ang pagiging Atenista sa gawa at hindi lamang sa salita. Pwede nating sabihing tayo ay "mga tao para sa kapwa" pero walang silbi ito kung natin nirerespeto ang mga taong hindi kasing suwerte natin.

Sa Tulong Dunong, natutunan kong kailangan mo munang magpakumbaba upang makatulong sa mahihirap. Natutunan kong kapag masyadong mataas ang pagtinging natin sa ating mga sarili, nalilimutan natin ang mga taong nangangailangan ng tulong natin. "Ako." Yun ang nasa isip natin. Kapag masyadong mataas ang pagtingin natin sa ating mga sarili, hindi tayo nagiging tao para sa kapwa. Tayo ay nagiging tao para sa ating sarili. Bilang mga Atenista, kailangan nating gamitin ang kaalaman natin para sa kabutihan ng lahat. Kailangan nating mamuno sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang asal tulad ng pagiging maka-Diyos at makatao. Turuan natin silang makitungo at makipagkaibigan sa iba. Turuan natin silang ilagay si Kristo sa sentro ng kanilang buhay.

Ang lahat ng tao ay kailangang repetuhin. Kahit iba ang kanilang lahi, relihiyon, katayuan, at lebel ng kanilang edukasyon, kailangan pa rin natin silang repetuhin. Masasabi ko lang sa mga nakababata sa akin sa mataas na paaralan ng Ateneo na sana matutunan nila pahalagahan ang Diyos at ang mga kapwa nilang tao. Sana malaman nila ito bago sila lumabas ng mataas na paaralan. Sana malaman din nila na wala silang maaabot kung walang sipag at tiyaga. Kailangan nilang magsikap upang umasenso. Hindi pwede ang "pwede na." Kailangan nila matutunan ang kahalagahan ng pagtatrabaho upang makamit ang kanilang mga minimithi. Higit sa lahat, sana matuto silang maging Atenista sa puso, isip, diwa at gawa.

No comments:

Post a Comment