Ako Si Juan Edmundo Luis Maria S. Reyes III, ang nagsisilbing valedictorian ng klaseng 2011. Nais ko lang ibahagi ang isang kasabihan. Ang kasabihan na ito ay ang kasabihan na: “Nasa huli ang Pagsisisi”. Sa apat na taon na dinaan ko rito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila. Marami akong pangarap rito na hindi ko nakamit. Marami rin ang mga bagay na gusto ko rin gawin, ngunit hindi ko rin to nagawa. Halimbawa nito ay ang pagsasali ng Basketball Varsity at Debate team, dahil bagbibigay ito ng oportunidad na magbigay ng dangal sa mahal kong Asul at Puti. Pero may buhay sa labas ng paaralan , may oras pa tayo para makamit nating ang ang mga pangarap natin.
Hindi kasama sa mga pagsisisi ko ang pagsasli sa klaseng C2011. Kung hindi po ninyo alam, hindi talaga ako kasapi ng C2011, sinulatan ko si Fr.Eli Lumbo ang punong guro pormasyon personal. Ang laman ng sulat ay kahilingan para sa paglipat ko mula sa klaseng “D”, sa klaseng “C”. Ginawa ko to dahil marami akong kilala sa “C” na galling sa klaseng 1-E. Ang klaseng C2011 ay ang nagsilbing pamilya ko sa pangalawang bahay ko. Ang klase ko rin ay ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para makamit ko ang mga nakakamit ko tulad ng pangatlong gantimpala sa paligsahanng agham at pang- apat na gantimpala sa larong Futsal. Ang klase ko ay ang nagbigay ng katawanan sa akin sa mga oras ng kalungkutan at kabiguan. Kahit may kaiinitan ng ulo at hindi pagkakaunawaaan minsan sa namin, alam ko sa puso ko na magkakapatid pa rin tayo kahit anong mangyari at kahit ilan taon na ang nakalipas. Pag- matanda na ako, siguro makakalimutan ko na ang mga trig ratios at ang mga batas ni Isaac Newton, pero alam ko sa puso ko, na hindi ko makakalimutan ang pagkakasama ko sa aking mga kaklase. Nagdadasal ako araw- araw na hindi kami lalayo sa isa’t isa. Ang buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay masyadong mahirap para idaranas ng isang tao. Ang Kaibigan ay isang pangangailangan sa paglalakbay sa mga marahas na dagat ng buhay dito sa mataas na paaralang Ateneo. Para sa akin, ang mga kaibigan ko ay ang pinakahusay na kaibibigan na puwedeng samahan sa pamumuhay sa mataas na paaralan.
Ang buhay sa mataas na paaralan, una sa lahat, ay para sa pag-aaral. Pero ang mga leksyon na maalala ko habang buhay ay hindi mga leksyon sa klase o sa libro. Ang mga leksyon na maalala ko ay ang pagsisikap , pagtitiyaga, paniniwala sa sarili, sa kapwa, at sa diyos, at ang pagsasaya. Mahirap ang buhay sa Ateneo. Babagsak ka at mabibigo ka rito. Ang mahalaga rito ay dapat titibay ka at lalakas ka, sa bawat bangon mo. Pag bumagsak ka sa isang pagsusulit, dapat mas mataas ang mga marka ng susunod na pagsusulit mo. Kung matalo ka sa isang paglalaro ng basketbol, dapat mas magaling ka sa mga sumusunod na laro. At sa wakas, kailangan may tiwala ka sa sarili, sa Diyos, at sa kapwa. Tinanggap tayo lahat ng mataas na paaralan ng Ateneo. May kagalingan tayo lahat. Kung maay tiwala tayo sa ating mga sarili at sa Diyos, dadali ang trabaho namin at mararamdaman natin ang diyos sa harap naming, at sa loob ng puso namin. At huling huli na, kailangan may tiwala tayo sa mga kaibigan namin. Ang mga kaibigan namin ay ang batong pader namin dahil sila ay ang magdidikit sa amin sa oras ng pangangailangan dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Ang pinakaimportanteng leksyon para sa akin para sa buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay: namnamin ang oras na kasama ang kaibigan, dahil sila ay a mga tao na umununawa sa inyo sa buong buhay ninyo sa mataas na paaralan ng Ateneo.
No comments:
Post a Comment