Ngayon na magtatapos na ako, marami akong gustong sabihin. Sa labindalawang taon ko rito sa Ateneo, at apat na taon ko sa Mataas na Paaralan, marami akong naranasang masaya, at marami ring masama. Kung sasabihin ko ang lahat ng mga ito, and lahat ng gusto kong sabihin, aabot tayo sa Graduation 2012. Kaya sabihin ko na lang ang mga pinakaimportanteng mga karanasan ko, at ang mga bagay na itinuro nila sa akin.
Sa unang taon ko dito, medyo masama ang karanasan ko. Halos wala akong kaibigan sa aking klase, at hindi pa ako sanay sa masmaraming mga kailangang gawin kumpara sa grade school. Pero dahil diyan natutunan kong ipaglaban ang aking sarili, at mas tumaas ang tiwala ko sa aking sarili. Pagkatapos ng unang taon ko, napakasaya ko nang magkaroon ako ng bagong klase. Sa aking pangalawang taon, masmarami ang nagawa ko sa mga pangyayari sa paaralan. Maliban sa bago kong klase ng 2C, kung saan may marami akong kaibigan, nagiging masmarami and nagawa ko para sa aking organisasyon. Dito ako natuto na pwede naman maganda ang karanasan ko sa Mataas na Paaralan. Natutuhan ko ring minsan, masama ang nagyayari sayo, at minsan mabuti, pero hindi mo kayang isubaybayan ang lahat ng bagay. Sa pangatlong taon ko, naging mas aktibo pa ako sa aking organisasyon, at ako ay naging isang officer dito. Sa mga klase ko naman, nagpapahirap sa akin ang maraming mga leksyon at proyekto, pero dahil tulong ng aking mga kaklase at mga ibang kaibigan, nagtagumpay ako. Natuto ko na napaka-importante ang mga kaibigan ko, hindi lang sa paglalaro, pero sa pagtrabaho rin. Ang huling taon ko rito ay ang pinakamahirap, at ang pinakamaganda. Dahil sa mga proyekto, at paghahanda sa kolehiyo, marami ang kailangan kong gawin. Naging org head pa ako. Pagkatapos ng unang term, parang hindi ko na kaya. Natutunan ko rito na napakaimportante ang pagiging masipag.
Oo, malungkot ako na kilangan ko nang umalis, dahil napakakomportable na ako rito, o dahil natatakot pa ako sa kinabukasan. Pero alam ko na handang-handa na ako para sa kahit anong mangyayari sa akin. Handa na akong umalis dito at hanapin ang mga bagong kaibigan, bagong aral, bagong hamon, at bagong oportunidad. kaya magpasalamat na lang ako sa lahat ng tao na tumulong sa akin dito. Mga guro, mga kaklase, mga kaibigan. Salamat sa inyong lahat, hindi ko makalimutan kayo. Pero handa na akong umalis, at hindi ako tatalikod.
No comments:
Post a Comment