Ito ang kalipunan ng mga tula at talumpati ng mga miyembro ng klaseng 4C para sa kanilang proyekto sa asignaturang Filipino.

Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.

Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda

Lakbay

“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” Ito ang mga unang salita ng kantang Kanlungan ni Noel Cabangon at pagnaririnig ko ang mga salitang ito, napapaisip ako at sabihin na onga naman, hindi maaring bumalik sa kahapon, sa tapos na at nakalipas. Ngayon na nagtapos ako sa mataas na paaralan, ang maaari ko lamang gawin ay magbalik-tanaw at tignan ang lahat ng nangyari sa nakalipas na 4 na taon. Ang unang taon ko sa mataas na paaralan ay halos pareho sa unang taon ninyo dito, paghahanap ng mga kaibigan sa bagong klase at pagtatag ng sariling pangalan. Sa pangalawang taon, lahat tayo ay nakasama ang ating mga “block mates” at dito rin nagsimula ang ating sama samang lakbay patungo sa katapusan. Sa lakbay na ito, marami akong nadaanan kasama ang pamilya ko na C2011, malungkot man o masaya, kasama ko lagi sila. Lahat ng problema na nadaanan natin ay pinagtulungang gawin ng solusyon at lahat ng ating mga wagi at sawi ay kasama sa ating buhay sa loob ng 3 taon. Totoong malungkot na sabihim na duumating na rin tayo sa katapusan at kung maaari lang, babalikan ko sana ang lahat ng mga gimik at saya na nangyari. Pero yun nga, sa pisikal na aspeto, imposible toh ngunit, lahat iyon ay na sa loob ng aking puso at kailanman, di ko ito makakalimutan. Sa aking mga kapatid at kaibigan sa nakadaang 3 taon, mahal na mahal kong kayong lahat at alam kong mahal niyo rin ako. Ang pagtapos natin sa mataas na paaralan ay hindi pagtapos ng ating lakbay, ito ang ating pagtawid lamang sa bagong daan sa buhay natin. Maraming salamat C2011.

No comments:

Post a Comment