Ito ang kalipunan ng mga tula at talumpati ng mga miyembro ng klaseng 4C para sa kanilang proyekto sa asignaturang Filipino.

Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.

Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda

Talumpati ni Alejandro Abando

Isipin ninyo, apat na taon na tayo rito sa Ateneo. Tapos na rin ang buhay natin sa mataas na paaralang ito. Apat na taon na natin naririnig ang "5C's", "Lux in Domino", "AMDG", "MAGIS". Nakakasawa na pakinggan ang mga ito, ngunit isinasabuhay ba natin ang mga ito?

Maganda ang gustong ituro sa atin ng Ateneo. Pagnarinig nga natin ang deskripsyon ng isang tunay na Atenista, nakabbibighani pakinggan. Ang Atenista ay isang taong isinasabuhay ang "5C's". Kagaya ng sinabi ni Gandhi tungkol sa Katolisismo, "I admire the ideologies of Catholicism, but not the Catholics." Mapapahanga
ka sa mga ideolohiya ng Ateneo, ngunit ano ba ang masasabii sa ating mga Atenista? Noong gumawa ako ng dokyumentaryo sa Pilipino, karamihan sa aking mga nakapanayam ay di alam ang "5 C's". Ang "5 C's" ay dapat nating isabuhay kaya kung di natin ito'y masabi, di natin isinasagawa.

Lahat tayo ay maghihiwalay na. Yung iba ay pupunta sa Ateneo, yung iba ay pupunta sa DLSU o UP, ngunit Atenista pa rin tayo sa kaloob-looban. Atenista tayo hindi lang dahil tayo'y nagtapos sa Ateneo, kundi dahil nakuha natin, naisasabuhay natin ang ideolohiya ng isang Atenista. Ang natutunan natin sa Ateneo ay dadalhin natin kahit saan kaya huwag natin itong kalilimutan.

No comments:

Post a Comment