Ito ang kalipunan ng mga tula at talumpati ng mga miyembro ng klaseng 4C para sa kanilang proyekto sa asignaturang Filipino.

Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.

Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda

Talumpati ni Gio Pineda

Apat na taon na ang nakalilipas nang ako’y unang tumapak dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo De Manila. Sa una, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko bilang hindi ko naging desisyon ang mag-aral sa pamantasang ito. Ako’y napilitan laman kung kaya’t ganoon na lamang ang sama ng aking loob.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon at ako’y unti-unting napalapit sa pamantasang ito. Unti-unti kong niyakap ang mga bagong ideya at kulturang itinuro sa akin. Ngayon na ako’y magtatapos na, unti-unti kong naaalala ang pagsisimula ko sa pamantasang ito. Sa aking pagbabaliksa nakaraan, aking nababanaag ang mga pagkakataong ako’y nagkulang. Aking napagmumunihan ang mga hakbang na nais kong palitan o dili kaya’y itapon na lamang sa mundo ng kawalan. Sa aking pagbalik sa kasalukuyan, aking napagtanto na wala na akong kapangyarihan na bumalik sa nakaraan at ayusin ang mga pagkakamaling aking ginawa. Datapwat wala na akong magagawa sapagkat wala ng oras, nais kong iparating sainyo na kayong mga nag-aaral pa dito sa pamantasang ito ay mayroon pang pagkakataon na maisaayos ang mga pagkakamaling inyong nagawa. Wag niyong sayangin ang ginintuang pagkakataong ito sapagkat pagdating ng oras na kayo’y magtata[ps na, doon n’yo pa lamang malalaman ang kahalagahan ng lahat ng bagay na inyong isinantabi sa nakaraang apat na taon ng inyong pamamalagi dito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila.

Hinihikayat ko kayong magising sa katotohanan na unti-unti ng nauubos ang buhangin ng orasan. Unti-unti ng nauubos ang mga pagkakatong ibinigay sainyo. Tama na ang paghimbing sa realidad ng buhay. Magising ka Atenista, Bumango ka’t buksan ang iyong pakpak at lumipad patungo sa tugatog ng tagumpay.

No comments:

Post a Comment