Sa tinagal-tagal ko dito sa mataas na paaralan ng ateneo ay nais ko lamang pasalamatan ang isang grupo ng mga tao : ang aking mga guro, lalo na ang aking mga guro sa matematika. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kelan sa buhay ko magagamit ang “trigonometric identities” o “exponential functions”. Kapag ikakasal ako hihingin ko ba ang cake na may “2pi radian base with a height of 3 feet and a mass of 12.63 x 10^3”? O kaya kapag bibili ako ng kotse ay tatanungin ko ang “frictional force” sa gulong nito kapag timatakbo sa basing kalye? Oo, hindi ko naman talaga magagamit ang mga tinuturong mga leksyon ng mga guro ko. Ngunit, kung hindi nila ipinako sa utak ko na kailangan kong makakuha ng matataas na mga marka sa mga asignaturang ito sa pamamagitan ng pagdiin sa aking mukha na mababa ako sa mga ito ay hindi ko matututunan na sumikap ang maghirap para sa mga nais kong makamit. Oo, hindi ko naman talaga gagamitin ang “impulse-momentum theory” o ang “systems of equations” sa buhay ko pero ang mga aral na ipinamana ng aking mga guro sa pamamagitan ng mga kasumpa-sumpang mga leksyon na ito ang siyang dadalhin ko kahit saan man ako mapadpad maging sa Ateneo man ito, La Salle, UP, MIT, Harvard o sa mcdo bilang isang cashier.
No comments:
Post a Comment