Pagkatapos ng apat na taon. Natapos na rin ang ating pagaaral dito sa mataas na paaralan ng Ateneo de Manila. Tayoy pumapasok na sa susunod nating kabanata sa aking buhay. Ang pagaaral natin sa kolehiyo, hindi importante kung ang kolehiyo na yun ay nandito pa sa Ateneo o iba na. Ang importante ay tayo’y magseryoso na sa kolehiyo, hindi na tayo mga bata, bawal na ang pagcacram o ang pagiging tamad. Hindi na kaya ang “stock knowledge” sa koloehiyo, kailangan na rin mag-aral.
Ngunit, huwag natin kalimutan ang apat na taon natin dito, ang mga masaya at ang mga masama. Ang lahat na natutunan natin dito. An ating mga kaklase na parang ngayon, hindi lamang mga kakalase ngunit mga kapatid na rin. Ang mga gurong naturo sa atin, kahit na makulit tayo, hindi sila tinamad o napikon sa atin, at nagturo parin. Ang recess at lunch period, ang pagtatambay kasama ang barkada, kumakain lang, o nagrereview bago isang Long Test.
Marami tayong mga maalala dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Sana , hindi natin makaklimutan. Sana tayo parin ay magiging Atenista sa labas ng Ateneo, sa ibang kolehiyo, at kapag nagtaopos na rin tayo sa kolehiyo. Huwag nating kalimutan kung sino tayo talaga, ang AMDG, o ang 5 C’s. Compassion, competence, commitment, Christ-centered, conscience. Huwag nating kalimutan, na tayo, ay Atenista.
No comments:
Post a Comment