Ang Huling Hirit
Mga kapwa Atenista, nais ko sanang magbahagi ng ilang mga salit tulad ng pagpapayo ng isang kuya sa mga nakababata niyang kapatid. Sa tagal ko na rito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, marami akong nalaman at nahubog na mga kakayanan. Ngunit, higit ditto, ang pinakadidikit sa akin ay ang mga nahubog sa aking pagkatao.
Mumulatin ka ng Ateneo sa totoong mundo sa labas. Dahil sa pagkamulat na ito, maiintindihan at madali mong maisasabuhay ang 5 C’s. Bilang Kristiyano o kahit hindi man, maiintindihan at rerespetuhin mo rin ang misyon ni Hesukristo. Makikita at maiintindihan mo rin kung bakit malaki ang malasakit o “compassion” niya sa mga mahihirap at matututo kang makiramay sa mga dukha. Mahuhubog din ang isang mabuting konsiyensiya sa iyo dahil dito. Dahil sa mga ito, matututo kang manindigan o “magcommit” sa mga “misyon” mo sa buhay. At kung marunong kang manindigan, mas makikipagsapalaran ka sa buhay (competence). Lahat ito, makakamit mo lang kapag malapit ka nang magtapos. Sigurado ako rito dahil sa ikaapat na taon mo lang mararanasan kung gaano ka talaga inaasahan ng mga tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng TD tutoring. Nagpapasalamat ako sa pagluluto sa amin ni Ginoong Brazal dahil mas natuto ako sa mga pagpapahirap niya kaysa sa pagiging “sobrag protektado” ko sa kamay ng mga magulang ko. Sana maging guro niyo rin siya sa ikaapat na taon ninyo sa Ateneo.
Sana hindi kayo nakatulog sa nakababagot kong pagbabahagi. Hindi naman importante sa akin kung maalala man ninyo ako sa hinaharap. Ang sa akin lang, sana malugod ninyong abangan ang mga mangyayari pa sa buhay ninyo rito. Huwag ninyo sanang gayahin ang iba ngunit, gawin ninyo lahat para maranasan at matikman ninyo ang lahat ng kaya ninyo habang nandito pa kayo.
No comments:
Post a Comment