Apat na taon sa mataas na paaralan ng Ateneo at sa lahat ng mga aking natutunan iisa lang ang aking ‘di makakalimutan. Ito ang pagmamahal sa iyong ginagawa.
Dito sa Ateneo, natuklasan at napagaling ang aking mga kakayahan at hinding hindi ko ito magagawa kung hindi ko minahal ang aking mga ginagawa. Binigyan ako ng Diyos ng talent sa sining, musika at sa larangan ng palakasan. Ginamit ko lahat ito sa pamamagitan ng pagsali sa mga paligsahan na ginaganap taon-taon sa mataas na paaralan ng Ateneo tuwing buwan ng wika or Ani-mo Ani-ko. Nagagamit ko rin ito sa mga paligsahan sa labas ng paaralan tulad ng UAAP, pagtugtog kasama ang iba pang mga musikero at iba pang mga paligsahan na nasa ilalim ng larangan ng sining. Dahil sa mga pagkakataong naibigay sakin natuklasan ko ang aking mga kalakasan sa mga larangang ito. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya tuwing ako’y sasali sa mga paligsahan na iyon at dahil sa aking pagihihirap napatunayan ko ang aking pagmamahal sa mga talentong ito sa pamamagitan ng pagkapanalo ng mga gantimpala.
Siguradong madadala ko itong leksyon na ito sa labas ng aking paaralan at mapapatunayan ko na kung mahalin mo ang iyong mga talento at mga ginagawa ikaw ay magwawagi.
No comments:
Post a Comment