Ito ang kalipunan ng mga tula at talumpati ng mga miyembro ng klaseng 4C para sa kanilang proyekto sa asignaturang Filipino.

Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.

Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda

Ars Poetica ni Jam Pascual

Ang Tula Ay Parang Kalamidad

Ako’y nawawala sa alimuyo
Umiikot ng sobrang bilis
Hanggang ako’y nasa pinakamalalim na punto
Hanggang ako’y nasa sulok ng aking puso

Ako’y nawawala sa buhawi
Pumailanglang ng sobrang matindi
Hanggang ako’y nasa pinakamataas na punto
Hanggang ako’y nasa dulo ng aking gunita

Ako’y nawawala sa bagyo
Bumabaha ng sobrang mataas
Hanggang ang tubig ay nasa aking leeg na
At pupunta ito sa aking bibig
At pupunta ito sa aking mata
At pupunta ito sa aking utak
Hanggang ako’y malulunod

Pero siyempre
Pagkatapos ng kalamidad
Ang mundo
Ay binibigyan ng sustansya
Ang mundo
Ay binibigyan ng bagong buhay

No comments:

Post a Comment