Siguro dahil tayo'y nagtatapos na ay ngayon lang natin nakikita ang halaga ng mga naranasan natin sa apat na taong nakaraan na. Maganda man o masama ang mga pangyayaring ito, ngayon lang natin naiintindihan na hindi na natin mababalikan ang mga ito. Ang mga ito ay magiging kwento na lamang kapag nagkakasama tayo, tawanan, at ang paborito ng lahat, gaguhan.
Ngunit kahit gaano kahalaga ang mga ito, dapat rin na hindi tayo sobrang ma-absorb sa mga isipan na ito; kailangan natin matandaan, bakit nga ba tayo umaalis dito? Siguro ang sagot siyan ay dahil binibigyan tayo ng mga pagkakataon upang makagawa pa ng mga karanasan na pwedeng bigyan ng kahalagaan, at mapag-usapan kapag kasama ang ibang tao. Dapat hindi tayo manatili sa mga nakaraan. Oo, dapat hindi natin makalimutan ang ating pagsasama sa mga naging kaibigan at kaklase dito sa Mataas na Paaralan, ngunit hindi ibig sabihin na hanggang doon na lamang ang ating aabutin. Hindi pa tayo tapos sa ating buhay; halos di pa nga siguro tayo nagsisimula. Sana'y maging mulat ang ating mga mata sa maaaring mangyari sa darating na taon. Alam ko na ngayon na tayo'y magtatapos na, parang ayaw na natin umalis. Kahit 'di natin napansin, natututo tayong mahalin ang ating paaralan at ang mga tao dito, tulad ng mga kaklase, guro, kasapi ng administrasyon, janitor, tagabenta sa cafeteria, at kahit mga pusa na gumagala kung saan-saan lamang. Sana pareho ang mangyayari sa mga bagong pupuntahan nating lahat, kahit kung saan man iyon.
No comments:
Post a Comment