TulangFil
Sa Filipino, marami akong natutunang leksyong mahahalaga.
Sa lahat ng mga ito, ang pinakaimportante ay ang pagtula.
Madali lang ito kung malawak ang talasalitaan mo sa mga Pilipinong salita.
Sa tula, mas maganda kung ang mga salitang gagamitin ay magtutugma.
Kapag nagtutugma ang mga ito, gumaganda ang iyong gawa.
Tila ito'y nagiging isang kantang hindi nakakasawa.
Maliban sa tugma, ang sukat ay hindi rin dapat mawala.
Isa itong mahalagang sangkap upang magkaroon ng tulang malasa.
Malasa at masarap sa bawat salita,letra at linya.
Ngunit, ano nga ba ang silbi ng tula kung hindi ka magiging makata?
Ang pagiging makata ay katumbas ng pagkakaroon ng gawang maganda.
Pero hindi ka magiging makata, kung sa sarili mo ay wala kang tiwala.
Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.
Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda
Talumpati ni Angelo Santos
Sa apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, ano nga ba ang aking masasabi? Masasabi kong natuto akong maging maka-Diyos. Natuto akong maging makatao, at higit sa lahat, natuto akong maging Atenista. Ngunit, ano nga ba ang sukatan ng tunay na Atenista? Ito ba ay nasa kanilang mga aria-arian o hindi kaya'y sa kanilang suot? Ang pagiging Atenista ba ay ang pagiging mas "mataas" sa kapwa? Sa totoo lang, wala sa mga ito ang tumutukoy sa pagiging Atenista. Ang pagiging Atenista ay nasa pagsuot ng pagkatao, at hindi ng uniporme. Ang pag-aaral sa Ateneo ay hindi sapat na batayan para tawagin kang isang Atenista. Ipinapakita ang pagiging Atenista sa gawa at hindi lamang sa salita. Pwede nating sabihing tayo ay "mga tao para sa kapwa" pero walang silbi ito kung natin nirerespeto ang mga taong hindi kasing suwerte natin.
Sa Tulong Dunong, natutunan kong kailangan mo munang magpakumbaba upang makatulong sa mahihirap. Natutunan kong kapag masyadong mataas ang pagtinging natin sa ating mga sarili, nalilimutan natin ang mga taong nangangailangan ng tulong natin. "Ako." Yun ang nasa isip natin. Kapag masyadong mataas ang pagtingin natin sa ating mga sarili, hindi tayo nagiging tao para sa kapwa. Tayo ay nagiging tao para sa ating sarili. Bilang mga Atenista, kailangan nating gamitin ang kaalaman natin para sa kabutihan ng lahat. Kailangan nating mamuno sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang asal tulad ng pagiging maka-Diyos at makatao. Turuan natin silang makitungo at makipagkaibigan sa iba. Turuan natin silang ilagay si Kristo sa sentro ng kanilang buhay.
Ang lahat ng tao ay kailangang repetuhin. Kahit iba ang kanilang lahi, relihiyon, katayuan, at lebel ng kanilang edukasyon, kailangan pa rin natin silang repetuhin. Masasabi ko lang sa mga nakababata sa akin sa mataas na paaralan ng Ateneo na sana matutunan nila pahalagahan ang Diyos at ang mga kapwa nilang tao. Sana malaman nila ito bago sila lumabas ng mataas na paaralan. Sana malaman din nila na wala silang maaabot kung walang sipag at tiyaga. Kailangan nilang magsikap upang umasenso. Hindi pwede ang "pwede na." Kailangan nila matutunan ang kahalagahan ng pagtatrabaho upang makamit ang kanilang mga minimithi. Higit sa lahat, sana matuto silang maging Atenista sa puso, isip, diwa at gawa.

Ars Poetica ni Rome Ma. Guerrero
Lahat ng ideya, dumadaloy sa ating isipan
hayaan lang, kinakailangan ito sa tula
Isama ang ideya sa matalinghagang pagsusulat
at ngayo'y bigyan ng angkop na pamagat.
samahan na rin ang tula ng ating matitinding damdamin
na gusto nating ipahayag sa magiging panauhin
ipagsama ang mga sangkap at ano ang kalalabasan?
parang ulam na sakto ang sangkap
pero ubod ng sarap
isang tulang matalinghaga at tiyak na pakikinggan

Talumpati ni Kenneth Nicolas
Tatlong taon na ang nakalipas nang ako'y tumuntong dito sa Mataas na Paaralang Ateneo. Isang bagong simula, yan ang aking iniisip. Dumaan ang unang taon at napadpad ako sa isang hindi pamilyar na lugar, ang "Summer Remedial". Marahil ako'y masyadong naging kampante at sinabi ko na lang, "bawi na lang sa susunod na taon".
Sa aking pangalawang taon dito, iniisip ko na namang bagong simula. Ngunit bumalik muli ang sakit kong katamaran. Sumabay pa ang kaso ko sa APSA at ako'y muntikan nang masipa. Nasa isip kong ma-swerte na kung mag-"summer" lang ako at sa matinding dasal, yun nga ang aking nakuha. Tinapos ko ito at ako'y pumasa naman.
Pangatlong taon ko na noong naisip kong ibahin ang aking buhay at gawin ang tama. Nagsipag akong ibigay lahat ng gawaing bahay at dahil dito, ako'y nahasang magsipag. Sa wakas, matapos ang pangatlong taon ay hindi ko na kinailangang mag-"summer classes"
Ngayong ako'y nasa huling taon ko na sa mataas na paaralang Ateneo, sa aking palagay ay naging mas mabuting estudyante at tao na ako. Marami na akong naranasan dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo. Lahat na yata nang pwedeng pagdaanan, nadaanan ko na. Heto ang aking gustong iparating sayo, kaibigan: walang imposible sa AHS. Alam ko iyan sapagkat naranasan kong mag-"summer", ma-suspinde, bumagsak at muntikan nang masipa. Ngunit narito ako ngayon, nabigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Magbago kayo habang maaga pa at malamang kayo'y matatanggap sa Kolehiyo ng Ateneo. Magbago kayo, at hindi kayo magsisisi sa bandang huli katulad ko. Kaibigan, itigil mo ang iyong masamang bisyo at labanan ang sakit ng katamaran, maaga pa. May panahon ka pa.

Ars Poetica ni Kenneth Nicolas
Masarap magtula, masarap mag-rhyme
magsusulat ako all the time.
Kahit ang aking tula'y hindi pretty
mamatawag mo naman itong extra sneaky.
Hindi ako magaling magsulat ng tula,
kapag ako'y nag-iisip, ako'y napapatulala.
Ako'y in dire in need of inspiration.
Ang aking tula'y dapat sumisigaw ng perfection.
Naisip kong kahit ito'y mahirap,
all I need is kaunting sikap.
Ang aking tula'y sinulat ko gamit ang aking ballpen.
Finally, ako'y tapos na at matatawag ko itong akin.
Sa poetry all you need is inspiration and sikap.
Ang problemahin mo lang ay ang inspiration na mahirap mahanap.

Ars Poetica ni Jam Pascual
Ang Tula Ay Parang Kalamidad
Ako’y nawawala sa alimuyo
Umiikot ng sobrang bilis
Hanggang ako’y nasa pinakamalalim na punto
Hanggang ako’y nasa sulok ng aking puso
Ako’y nawawala sa buhawi
Pumailanglang ng sobrang matindi
Hanggang ako’y nasa pinakamataas na punto
Hanggang ako’y nasa dulo ng aking gunita
Ako’y nawawala sa bagyo
Bumabaha ng sobrang mataas
Hanggang ang tubig ay nasa aking leeg na
At pupunta ito sa aking bibig
At pupunta ito sa aking mata
At pupunta ito sa aking utak
Hanggang ako’y malulunod
Pero siyempre
Pagkatapos ng kalamidad
Ang mundo
Ay binibigyan ng sustansya
Ang mundo
Ay binibigyan ng bagong buhay

Talumpati ni Calbert Amante
Sa pagpasok ko palang dito sa mataas na paaralan ng Ateneo, ako'y kinabahan na dahil sa maraming bagay. Isa na rito ay ang mga estudyante mismo. Wala akong kakilala ni isa. Pangawala rito ay mediyo natakot ako dahil galing ako sa Lasalle noon at inisip ko na baka maraming hindi magkagusto sakin. Ang panghuli ay ang edukasyon na ibinibigay ng Ateneo. Alam naman natin lahat na mahirap makapasa at makapasok dito sa Ateneo. Hindi naman talaga dapat ako mag-aaral dito kung hindi dahil sa nanay ko. Nagbigay siya ng isang sulat sa administrasyon sa Ateneo na nagsasabing bigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang edukasyon sa Ateneo. Akala ko noon ay hindi magiging kumportable ang apat na taon ko dito ngunit ako'y nagkamali. Marami akong natutunan dito sa mataas na paaralan. Ang hindi ko makakalimutan dito ay ang disiplina na gustong iparating ng eskwelahan na ito sa mga estudyante. Ngayon at ako'y liliban na, nais ko lamang magbigay ng kaunting paalala sa inyo. Una sa lahat ay lasapin ninyo ang bawat sekundo dito sa Ateneo. Mabilis lang ang oras. Parang kahapon lamang nang ako'y pumasok sa silid-aralan ng 1-K, nahihiya at tahimik na nagmamasid lamang sa mga tao ngunit ngayon ay nagkaron na ako ng maraming kaibigan. Pangawala ay alamin ninyo ang mga prioridad ninyo sa buhay. Mas maganda nang magsakripisyo ka ngayon kesa naman nagsasaya ka pero sa huli ka pala mamomoblema. Ang huli ay magpasalamat sa panginoon na nabigyan tayo ng isang pambihirang pagkakataon na maramdaman ang isang magandang buhay. Tayo lahat ay masuwerte na nakatapak dito sa mataas na paarlan ng Ateneo. Isa itong pribilehiyo na maranasan ang edukasyon na ibigay sakin ng Ateneo at hindi ko sasayangin ang mga natutunan ko rito. Balang araw ay mararamdaman niyo rin ang saya at lungkot pag kayo'y mamartsa na ay kukunin ang diplomang kay tagal ng pinangarap na makuha. ngayon pa lamang ay bumabati na ako ng "Congratulations!" sa inyo lahat dahil naniniwala ako na lahat kayo ay magmamartsa.
Ars Poetica ni Calbert Amante
Mahirap gumawa ng tula
Sa sobrang hirap ay baka ang bibig mo'y bumula
Sa sobrang hirap, 'di man lang ako makiisip ng magandang panimula
Hay nako wala lumalabas sa aking isipan
Para bagang ako'y pinagtritripan
Bakit nga ba ako'y laging pinahihirapan
Di man lamang tugma ang mga salita
Pag binasa mo to ay ika'y malalanta
Sobrang labo, sobrang ewan
Wag mo nang basahin dahil sobrang maselan
ang pinakasinasabi ng tulang ito
Wala na akong masabi
Tuyo na ang aking labi
kaya naman tinatapos ko na ang tulang ito
dahil baka makakita pa kayo ng multo
sa sobrang labo ng tulang sinulat ko

Ars Poetica ni Carl Cruz
Sa paggawa ng tula, kailangan mo lamang ng papel, panulat at kaunting utak Di mo kailangan ng paksang malupit, simple lamang ay sapat na
Bago ka magsulat, mag-isip muna
At itanong sa sarili, “Ano kaya ang nais kong iparating sa mga mambabasa?”
Sa paggawa ng tula, ginagamit ang puso’t isipan
Kapag wala ang isa sa dalawa, halatang may kulang
Hindi ka makakapag-isip kung wala kang nararamdaman
Hindi ka rin makakaramdam, kung walang laman ang isipan
Ang dalawang ito ang magbubuo ng tula mo
Maiksi man o mahaba, tula parin ‘yan
Tulad nga ng sabi ng isa guro sa akin
“Wala sa haba yan, nasa nilalaman”
Maging tapat ka sa iyong sarili
Upang masulat mo ang nais sabihin
Wag ka making sa mga hirit nila
Ipagpatuloy mo lang ang pagsulat ng tula

Talumpati ni Carl Cruz
Sa apat na taon kong pag-aaral dito sa Mataas Na Paaralan, masasabi kong marami akong naging karanasan, mabuti man o masama.
Sa aking pananatili dito sa Ateneo, masasabi kong ako'y nagsisisi na hindi ko sineryoso ang aking pag-aaral. Hinahayaan kong bumaba ng bumaba ang aking marka bago ako magsimulang mag-aral kaya’t kadalasan ay naghihirap ako upang mabawi sa mga kinakailangang gawin at matapos upang pumasa sa markahang iyon. Nagsisisi rin ako sa mga masasamang bagay na dapat hindi ko ginawa dahil ang mga ito ay nagpahirap sa pananatili ko dito sa Ateneo. Subalit, nakatulong din naman ang mga masamang karanasan na ito dahil ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya upang mabawi ang lahat ng bagay na nagawa ko na nagdulot ng masama.
Sa kabilang banda naman, masaya ako na kinuha ko ang oportunidad na makapag-aral dito sa Mataas Na Paaralan. Malaki ang pasasalamat ko sa Ateneo dahil tinuruan ako ng mga bagay na dapat kong matutunan at tinulungan akong maging responsible at matinong mag-aaral.
Ang mga naging karanasan ko sa aking pag-aaral dito ay naghubog sa aking pagkatao. Hindi lamang ako nakapagkilala ng mga bagong kaibigan, nakilala ko rin ang aking sarili. Kung hindi ako nakapag-aral dito sa Mataas Na Paaralan ng Ateneo, siguradong hindi ako nakatayo kung nasaan ako ngayon, at malamang hindi ko nararamdaman ang saya at pagiging kontento sa mga bagay na mayroon ako.

Talumpati ni Ditto Reyes
Ako Si Juan Edmundo Luis Maria S. Reyes III, ang nagsisilbing valedictorian ng klaseng 2011. Nais ko lang ibahagi ang isang kasabihan. Ang kasabihan na ito ay ang kasabihan na: “Nasa huli ang Pagsisisi”. Sa apat na taon na dinaan ko rito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila. Marami akong pangarap rito na hindi ko nakamit. Marami rin ang mga bagay na gusto ko rin gawin, ngunit hindi ko rin to nagawa. Halimbawa nito ay ang pagsasali ng Basketball Varsity at Debate team, dahil bagbibigay ito ng oportunidad na magbigay ng dangal sa mahal kong Asul at Puti. Pero may buhay sa labas ng paaralan , may oras pa tayo para makamit nating ang ang mga pangarap natin.
Hindi kasama sa mga pagsisisi ko ang pagsasli sa klaseng C2011. Kung hindi po ninyo alam, hindi talaga ako kasapi ng C2011, sinulatan ko si Fr.Eli Lumbo ang punong guro pormasyon personal. Ang laman ng sulat ay kahilingan para sa paglipat ko mula sa klaseng “D”, sa klaseng “C”. Ginawa ko to dahil marami akong kilala sa “C” na galling sa klaseng 1-E. Ang klaseng C2011 ay ang nagsilbing pamilya ko sa pangalawang bahay ko. Ang klase ko rin ay ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para makamit ko ang mga nakakamit ko tulad ng pangatlong gantimpala sa paligsahanng agham at pang- apat na gantimpala sa larong Futsal. Ang klase ko ay ang nagbigay ng katawanan sa akin sa mga oras ng kalungkutan at kabiguan. Kahit may kaiinitan ng ulo at hindi pagkakaunawaaan minsan sa namin, alam ko sa puso ko na magkakapatid pa rin tayo kahit anong mangyari at kahit ilan taon na ang nakalipas. Pag- matanda na ako, siguro makakalimutan ko na ang mga trig ratios at ang mga batas ni Isaac Newton, pero alam ko sa puso ko, na hindi ko makakalimutan ang pagkakasama ko sa aking mga kaklase. Nagdadasal ako araw- araw na hindi kami lalayo sa isa’t isa. Ang buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay masyadong mahirap para idaranas ng isang tao. Ang Kaibigan ay isang pangangailangan sa paglalakbay sa mga marahas na dagat ng buhay dito sa mataas na paaralang Ateneo. Para sa akin, ang mga kaibigan ko ay ang pinakahusay na kaibibigan na puwedeng samahan sa pamumuhay sa mataas na paaralan.
Ang buhay sa mataas na paaralan, una sa lahat, ay para sa pag-aaral. Pero ang mga leksyon na maalala ko habang buhay ay hindi mga leksyon sa klase o sa libro. Ang mga leksyon na maalala ko ay ang pagsisikap , pagtitiyaga, paniniwala sa sarili, sa kapwa, at sa diyos, at ang pagsasaya. Mahirap ang buhay sa Ateneo. Babagsak ka at mabibigo ka rito. Ang mahalaga rito ay dapat titibay ka at lalakas ka, sa bawat bangon mo. Pag bumagsak ka sa isang pagsusulit, dapat mas mataas ang mga marka ng susunod na pagsusulit mo. Kung matalo ka sa isang paglalaro ng basketbol, dapat mas magaling ka sa mga sumusunod na laro. At sa wakas, kailangan may tiwala ka sa sarili, sa Diyos, at sa kapwa. Tinanggap tayo lahat ng mataas na paaralan ng Ateneo. May kagalingan tayo lahat. Kung maay tiwala tayo sa ating mga sarili at sa Diyos, dadali ang trabaho namin at mararamdaman natin ang diyos sa harap naming, at sa loob ng puso namin. At huling huli na, kailangan may tiwala tayo sa mga kaibigan namin. Ang mga kaibigan namin ay ang batong pader namin dahil sila ay ang magdidikit sa amin sa oras ng pangangailangan dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Ang pinakaimportanteng leksyon para sa akin para sa buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay: namnamin ang oras na kasama ang kaibigan, dahil sila ay a mga tao na umununawa sa inyo sa buong buhay ninyo sa mataas na paaralan ng Ateneo.

Ars Poetica ni Ditto Reyes
Ano ang ginagawa ng isang makata, para magawa niya ang isang tula
Ang isang Makata ay parang isang mangingisda.
Pinaghihintay ng isang magningisda, na mahuli ang isang isda sa lambat
Iiwas ba yung isda O kakagat?
Parang mangingisda yung makata dahil sa totoo, hindi siya ang gumagawa ng tula
Hindi naman gumamagawa ng isda ang mangingisda diba?
Naghinintay lang siya sa pagpasosk sa lamabat ang isang isda
Parang isang makata, na naghihintay ng pagpasok ng mga ideya at imahen sa kanyang isip habang nakaupo sa lamesa.
Ang Tula ay isang buhay na bagay.
Hinahanap ito ng makata, habang-buhay
Parang pirata na lumalakbay sa dagat, para mahanap niya ang nakatagong kayamanan.
O parang isang Lagalag na naghahanap ng Tahanan.
Para sa makata ang kanyang buhay ay ang kanyang tula
Binubuhos niya rito ang lahat ng bagay na mahalaga
Ang kanyang katawan, puso, at kaalaman.
Ang Tula ang kanyang simula, ito na rin ang kanyang katapusan.

Talumpati ni Gabby Sanchez
Mataas na Paaralan. Apat na taong pag-aaral ng mga intermedyang aralin na kung tawagin ay mga araling paghahanda sa kolehiyo. Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral ng simpleng aralin sa mababang paaralan, ito ang panahon na kailangang magseryoso dahil dito mahuhubog ang direksiyon na tatahakin ng bawat isa pagdating sa kolehiyo.
Ito ang pang-unawa at pagtingin ng marami sa atin sa Mataas na Paaralan noong tumuntong tayo sa unang taon. Sa pagdaan ng panahon, tayo ay sumunod sa mga patakaran at kahilingan ng Mataas na Paaralan. Nagsimula tayo na mababa pa ang perspektibo natin sa Mataas na Paaralan noon. Para tayong mga inosenteng mag-aaral na naninibago sa bagong sistema at mga patakaran. Ngayon, sa ating pagtatapos sa Mataas na Paaralan, naranasan natin na hindi pala ito mga simpleng apat na taon lamang na paghahabol at pagkakamit ng mga matataas na marka. Sa apat na taong ito, dito nagsimulang mabuo ang perspektibo natin sa buhay. Dito natin naranasan ang realidad kung paano paghirapan na makamit ang isang bagay at ang ginhawang dulot nito kapag nagawa ito. Dito natin nasimulang gamitin ang ating mga natutunan mula sa mga konsepto ng matematika at sa mga nobela ni Jose Rizal sa ating mga pang araw-araw na gawain at problema. Dito lumakas ang ating relasyon sa ating Panginoon at sa ating kapwa. Dito natin nasimulang makita ng malinaw ang mga mali sa pamamalakad sa ating bansa katulad ng korupsyon at katiwalian ng mga namamahala sa gobyerno. Dito natin nakita at nagamit ang ating husay at potensyal para sa ikabubuti ng ating mga sarili at pagtulong natin sa kapwa.
Kung tutuusin, napakaimportanteng seryosohin ang apat na taon sa Mataas na Paaralan dahil dito mabubuo at mahuhubog ang pananaw at direksiyon natin sa buhay. Ngayon Atenista, umahon at gumanda na ba ang perspektibo mo, o hanggang ngayon ba ay nagpapakabata ka pa rin?

Ars Poetica ni Gabby Sanchez
Tula, tula paano ba kita sisimulan?
Kailangang alamin muna ang paksa
Bago maglaro ng mga salita
Upang malinaw at klaro ang sinusulat
Dapat may persona at anyo
Lagyan din dapat ng tayutay
Mga simbulo't Pilipinong detalye
At napakaimportaneng mensahe
Madali lang pala magsulat ng tula
Mas madali pa kesa maglaro ng Dota
Kailangang alamin muna ang paksa
Bago maglaro ng mga salita
Upang malinaw at klaro ang sinusulat
Dapat may persona at anyo
Lagyan din dapat ng tayutay
Mga simbulo't Pilipinong detalye
At napakaimportaneng mensahe
Madali lang pala magsulat ng tula
Mas madali pa kesa maglaro ng Dota
Ars Poetica ni Poch Gutierrez
Ang pagsusulat ng tula ay parang pagtugtog ng cello, sing-kulay ng salita ang tunog.
Ngunit bago magsimula ang kagandahan ng sining sa iba’t-ibang larawan, kailangan munang pag-isipan. Kumbaga, ika’y huhugot ng inspirasyon sa iba’t-ibang sulok ng iyong buhay.
Kadalasan, ang inspirasyon ko ay ang “pagmamahal”.
Pagmamahal sa kahit ano man na tinutuunan ko ng pansin at madalas ito’y nahahanap sa isang dalagang aking ninanais.
Sa pagtula at pagtugtog, dinadaan ko ang mga salita at nota ng aking kamay at inihahambing ang bawat tunog at letra sa anumang inspirasyon ko.
Bawat talinghaga ay katumbas ng malinis at buong-buo na nota at ang katapusan ng salita ay may kasunod na tunog ng cello.
Sa bawat pagtugma ko ng mga salita ay kasing kulay narin ng pagdugtong-dugtong ng nota sa piyesa.
At sa pagtatapos ng huling pagbagsak ng nota, naitaas narin ang bolpen para sa tula.

Talumpati ni Poch Gutierrez
“Pwede na”. “Sapat na”. “Okay lang yan”. Ito’y mga salitang madalas marinig kapag ang estudyante’y nakapasa o pasang-awa sa isang eksamen dito sa ating Mataas ng Paaralan. Ngunit sa kabila ng pagiging “sapat” may mga estudiante pa ring lalo pang umangat sa gradong “pwede na”. Gusto mo sabhining ako’y umangat sa bawat taon ng aking pag-aaral sa Ateneo, hindi ko ito masasabi. Para sa akin, mahirap makakuha ng magandang marka sa mga iba’t-ibang asignatura lalong-lalo na sa Matematika at Agham dahil rin sa mga halo-halong rason ng katamaran at napakahinang disiplina sa sarili. Pero bakit kayo nakikinig sa aking sinasabi? Dahil ako’y binabago at patuloy na binabago ng eskwelahang ito.
Magmula unang taon, nakikipagsapalaran ako sa akademiko upang makamit ang mga matataas na grado. Ngunit sa kasamaang-palad, mula noon hanggang sa pagtatapos ng Mataas na Paaralan, wala akong maipagyayabang ni isang karangalang pang-akademiko. Sa simula nga rin, ako’y lubos na nahirapan maghanap ng mga tunay na kaibigan at lalong-lalo na sandamukmok na gawaing-bahay. Hindi nagtagal ay nakahanap din ako ng mga matatalik na kaibigan at marami sa kanila sa galing sa aking klase na ang C2011. At simula ng ikalawang taon hanggang ikaapat na taon ko sa Ateneo, sila ang naging kaakbay ko sa aking mga pagkakabigo at tagumpay.
Subalit, ang natununan ko ng lubos sa apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila ay ang simpleng pagninilay. Araw-araw, may nagaganap ng pang-umagang pagninilay sa “PA” ng klase at doon ko nasimulang makita ang epekto nito sa akin. Bawat desisyon ko, magmula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliliit ay dinadaan ko sa kaunting pagninilay. Para sa akin, naging parte na ito ng aking konsensiya at nagsisilbing gabay sa pagiging tao ko para sa pamilya, kaibigan, at pati na rin sa lipunan.

Ars Poetica ni Robert Sena
Isang tula tungkol sa pagsusulat ng tula
Meron ka nang nabasang labing apat, siguro’y eto’y nakakasawa. Lagyan mo ng mababaw ng paksa, at malabong layunin
Dagdagan ng walang kwentang tema, at ang mga tayuytay ay kalimutin.
Walang mensahe, parang pipeng sumisigaw.
Walang katuturan, parang nagsampay na walang araw.
Tangalin mo na rin ang ganda at ginhawa
Ganito lang kadali gumawa ng supot na tula.

Talumpati ni Alan Bautista
Magandang gabi po mga Administrador, mga gurp, mga magulang, at mga kapwa kong estudyante dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Nandito po ako bilang ang inyong valedictorian ng klase 2011 ng mataas na paaralan. Sa apat na taon ko dito sa AHS, masasabi ko na naging atao ako para sa kapwa. Natuto akong magbigay ng aking buong sarili sa mga kapwa kong mahihirap dahil sa tulong ng Campus Ministry office. Natuto akong magmahal ng mga mahihirap. Nagamit ko ang aking mga natutunan sa aking pag-aaral. Ang imemensahe ko lang sa inyong lahat, ay wag ikalimutan ang Diyos kay Siya ang magsisilbing guide sa inyong lahat sa buong. Maraming Salamat sa inyong lahat.
-Alan Bautista
-Alan Bautista
Ars Poetica ni Gio Pineda
Pakinggan mo ang ihip na hangin,
Hayaan mong dumaan ito sa iyong mukha.
‘wag mong pigilin ang sarili mong tumalon sa bangin
Tumalon ka lang; ‘wag matakot madapa
Pakinggan mo ang dalo’y ng tubig
Damdamin mo ang init at lamig.
Waring ilog na puno ng pagibig,
‘wag mong bibitwan, humawak ka sa katig.
Parang kandelabrong unti-unting nauupos,
Darating ka sa puntong wala ng lalabas,
‘wag matakot, kung ito’y mauubos,
Huminga ng malalim at wag aatras

Talumpati ni Gio Pineda
Apat na taon na ang nakalilipas nang ako’y unang tumapak dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo De Manila. Sa una, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko bilang hindi ko naging desisyon ang mag-aral sa pamantasang ito. Ako’y napilitan laman kung kaya’t ganoon na lamang ang sama ng aking loob.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon at ako’y unti-unting napalapit sa pamantasang ito. Unti-unti kong niyakap ang mga bagong ideya at kulturang itinuro sa akin. Ngayon na ako’y magtatapos na, unti-unti kong naaalala ang pagsisimula ko sa pamantasang ito. Sa aking pagbabaliksa nakaraan, aking nababanaag ang mga pagkakataong ako’y nagkulang. Aking napagmumunihan ang mga hakbang na nais kong palitan o dili kaya’y itapon na lamang sa mundo ng kawalan. Sa aking pagbalik sa kasalukuyan, aking napagtanto na wala na akong kapangyarihan na bumalik sa nakaraan at ayusin ang mga pagkakamaling aking ginawa. Datapwat wala na akong magagawa sapagkat wala ng oras, nais kong iparating sainyo na kayong mga nag-aaral pa dito sa pamantasang ito ay mayroon pang pagkakataon na maisaayos ang mga pagkakamaling inyong nagawa. Wag niyong sayangin ang ginintuang pagkakataong ito sapagkat pagdating ng oras na kayo’y magtata[ps na, doon n’yo pa lamang malalaman ang kahalagahan ng lahat ng bagay na inyong isinantabi sa nakaraang apat na taon ng inyong pamamalagi dito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila.
Hinihikayat ko kayong magising sa katotohanan na unti-unti ng nauubos ang buhangin ng orasan. Unti-unti ng nauubos ang mga pagkakatong ibinigay sainyo. Tama na ang paghimbing sa realidad ng buhay. Magising ka Atenista, Bumango ka’t buksan ang iyong pakpak at lumipad patungo sa tugatog ng tagumpay.

Subscribe to:
Posts (Atom)