TulangFil
Sa Filipino, marami akong natutunang leksyong mahahalaga.
Sa lahat ng mga ito, ang pinakaimportante ay ang pagtula.
Madali lang ito kung malawak ang talasalitaan mo sa mga Pilipinong salita.
Sa tula, mas maganda kung ang mga salitang gagamitin ay magtutugma.
Kapag nagtutugma ang mga ito, gumaganda ang iyong gawa.
Tila ito'y nagiging isang kantang hindi nakakasawa.
Maliban sa tugma, ang sukat ay hindi rin dapat mawala.
Isa itong mahalagang sangkap upang magkaroon ng tulang malasa.
Malasa at masarap sa bawat salita,letra at linya.
Ngunit, ano nga ba ang silbi ng tula kung hindi ka magiging makata?
Ang pagiging makata ay katumbas ng pagkakaroon ng gawang maganda.
Pero hindi ka magiging makata, kung sa sarili mo ay wala kang tiwala.
Maaari ninyong iboto ang inyong paboritong tula/speech sa pamamagitan ng pagbigay ng 1-5 rating na makikita sa taas ng bawat post, 5 bilang pinakamataas samantalang 1 bilang pinakamababa.
Guro sa Filipino: Ginoong Leonardo Balmaceda
Talumpati ni Angelo Santos
Sa apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, ano nga ba ang aking masasabi? Masasabi kong natuto akong maging maka-Diyos. Natuto akong maging makatao, at higit sa lahat, natuto akong maging Atenista. Ngunit, ano nga ba ang sukatan ng tunay na Atenista? Ito ba ay nasa kanilang mga aria-arian o hindi kaya'y sa kanilang suot? Ang pagiging Atenista ba ay ang pagiging mas "mataas" sa kapwa? Sa totoo lang, wala sa mga ito ang tumutukoy sa pagiging Atenista. Ang pagiging Atenista ay nasa pagsuot ng pagkatao, at hindi ng uniporme. Ang pag-aaral sa Ateneo ay hindi sapat na batayan para tawagin kang isang Atenista. Ipinapakita ang pagiging Atenista sa gawa at hindi lamang sa salita. Pwede nating sabihing tayo ay "mga tao para sa kapwa" pero walang silbi ito kung natin nirerespeto ang mga taong hindi kasing suwerte natin.
Sa Tulong Dunong, natutunan kong kailangan mo munang magpakumbaba upang makatulong sa mahihirap. Natutunan kong kapag masyadong mataas ang pagtinging natin sa ating mga sarili, nalilimutan natin ang mga taong nangangailangan ng tulong natin. "Ako." Yun ang nasa isip natin. Kapag masyadong mataas ang pagtingin natin sa ating mga sarili, hindi tayo nagiging tao para sa kapwa. Tayo ay nagiging tao para sa ating sarili. Bilang mga Atenista, kailangan nating gamitin ang kaalaman natin para sa kabutihan ng lahat. Kailangan nating mamuno sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang asal tulad ng pagiging maka-Diyos at makatao. Turuan natin silang makitungo at makipagkaibigan sa iba. Turuan natin silang ilagay si Kristo sa sentro ng kanilang buhay.
Ang lahat ng tao ay kailangang repetuhin. Kahit iba ang kanilang lahi, relihiyon, katayuan, at lebel ng kanilang edukasyon, kailangan pa rin natin silang repetuhin. Masasabi ko lang sa mga nakababata sa akin sa mataas na paaralan ng Ateneo na sana matutunan nila pahalagahan ang Diyos at ang mga kapwa nilang tao. Sana malaman nila ito bago sila lumabas ng mataas na paaralan. Sana malaman din nila na wala silang maaabot kung walang sipag at tiyaga. Kailangan nilang magsikap upang umasenso. Hindi pwede ang "pwede na." Kailangan nila matutunan ang kahalagahan ng pagtatrabaho upang makamit ang kanilang mga minimithi. Higit sa lahat, sana matuto silang maging Atenista sa puso, isip, diwa at gawa.

Ars Poetica ni Rome Ma. Guerrero
Lahat ng ideya, dumadaloy sa ating isipan
hayaan lang, kinakailangan ito sa tula
Isama ang ideya sa matalinghagang pagsusulat
at ngayo'y bigyan ng angkop na pamagat.
samahan na rin ang tula ng ating matitinding damdamin
na gusto nating ipahayag sa magiging panauhin
ipagsama ang mga sangkap at ano ang kalalabasan?
parang ulam na sakto ang sangkap
pero ubod ng sarap
isang tulang matalinghaga at tiyak na pakikinggan

Talumpati ni Kenneth Nicolas
Tatlong taon na ang nakalipas nang ako'y tumuntong dito sa Mataas na Paaralang Ateneo. Isang bagong simula, yan ang aking iniisip. Dumaan ang unang taon at napadpad ako sa isang hindi pamilyar na lugar, ang "Summer Remedial". Marahil ako'y masyadong naging kampante at sinabi ko na lang, "bawi na lang sa susunod na taon".
Sa aking pangalawang taon dito, iniisip ko na namang bagong simula. Ngunit bumalik muli ang sakit kong katamaran. Sumabay pa ang kaso ko sa APSA at ako'y muntikan nang masipa. Nasa isip kong ma-swerte na kung mag-"summer" lang ako at sa matinding dasal, yun nga ang aking nakuha. Tinapos ko ito at ako'y pumasa naman.
Pangatlong taon ko na noong naisip kong ibahin ang aking buhay at gawin ang tama. Nagsipag akong ibigay lahat ng gawaing bahay at dahil dito, ako'y nahasang magsipag. Sa wakas, matapos ang pangatlong taon ay hindi ko na kinailangang mag-"summer classes"
Ngayong ako'y nasa huling taon ko na sa mataas na paaralang Ateneo, sa aking palagay ay naging mas mabuting estudyante at tao na ako. Marami na akong naranasan dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo. Lahat na yata nang pwedeng pagdaanan, nadaanan ko na. Heto ang aking gustong iparating sayo, kaibigan: walang imposible sa AHS. Alam ko iyan sapagkat naranasan kong mag-"summer", ma-suspinde, bumagsak at muntikan nang masipa. Ngunit narito ako ngayon, nabigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Magbago kayo habang maaga pa at malamang kayo'y matatanggap sa Kolehiyo ng Ateneo. Magbago kayo, at hindi kayo magsisisi sa bandang huli katulad ko. Kaibigan, itigil mo ang iyong masamang bisyo at labanan ang sakit ng katamaran, maaga pa. May panahon ka pa.

Ars Poetica ni Kenneth Nicolas
Masarap magtula, masarap mag-rhyme
magsusulat ako all the time.
Kahit ang aking tula'y hindi pretty
mamatawag mo naman itong extra sneaky.
Hindi ako magaling magsulat ng tula,
kapag ako'y nag-iisip, ako'y napapatulala.
Ako'y in dire in need of inspiration.
Ang aking tula'y dapat sumisigaw ng perfection.
Naisip kong kahit ito'y mahirap,
all I need is kaunting sikap.
Ang aking tula'y sinulat ko gamit ang aking ballpen.
Finally, ako'y tapos na at matatawag ko itong akin.
Sa poetry all you need is inspiration and sikap.
Ang problemahin mo lang ay ang inspiration na mahirap mahanap.

Ars Poetica ni Jam Pascual
Ang Tula Ay Parang Kalamidad
Ako’y nawawala sa alimuyo
Umiikot ng sobrang bilis
Hanggang ako’y nasa pinakamalalim na punto
Hanggang ako’y nasa sulok ng aking puso
Ako’y nawawala sa buhawi
Pumailanglang ng sobrang matindi
Hanggang ako’y nasa pinakamataas na punto
Hanggang ako’y nasa dulo ng aking gunita
Ako’y nawawala sa bagyo
Bumabaha ng sobrang mataas
Hanggang ang tubig ay nasa aking leeg na
At pupunta ito sa aking bibig
At pupunta ito sa aking mata
At pupunta ito sa aking utak
Hanggang ako’y malulunod
Pero siyempre
Pagkatapos ng kalamidad
Ang mundo
Ay binibigyan ng sustansya
Ang mundo
Ay binibigyan ng bagong buhay

Talumpati ni Calbert Amante
Sa pagpasok ko palang dito sa mataas na paaralan ng Ateneo, ako'y kinabahan na dahil sa maraming bagay. Isa na rito ay ang mga estudyante mismo. Wala akong kakilala ni isa. Pangawala rito ay mediyo natakot ako dahil galing ako sa Lasalle noon at inisip ko na baka maraming hindi magkagusto sakin. Ang panghuli ay ang edukasyon na ibinibigay ng Ateneo. Alam naman natin lahat na mahirap makapasa at makapasok dito sa Ateneo. Hindi naman talaga dapat ako mag-aaral dito kung hindi dahil sa nanay ko. Nagbigay siya ng isang sulat sa administrasyon sa Ateneo na nagsasabing bigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang edukasyon sa Ateneo. Akala ko noon ay hindi magiging kumportable ang apat na taon ko dito ngunit ako'y nagkamali. Marami akong natutunan dito sa mataas na paaralan. Ang hindi ko makakalimutan dito ay ang disiplina na gustong iparating ng eskwelahan na ito sa mga estudyante. Ngayon at ako'y liliban na, nais ko lamang magbigay ng kaunting paalala sa inyo. Una sa lahat ay lasapin ninyo ang bawat sekundo dito sa Ateneo. Mabilis lang ang oras. Parang kahapon lamang nang ako'y pumasok sa silid-aralan ng 1-K, nahihiya at tahimik na nagmamasid lamang sa mga tao ngunit ngayon ay nagkaron na ako ng maraming kaibigan. Pangawala ay alamin ninyo ang mga prioridad ninyo sa buhay. Mas maganda nang magsakripisyo ka ngayon kesa naman nagsasaya ka pero sa huli ka pala mamomoblema. Ang huli ay magpasalamat sa panginoon na nabigyan tayo ng isang pambihirang pagkakataon na maramdaman ang isang magandang buhay. Tayo lahat ay masuwerte na nakatapak dito sa mataas na paarlan ng Ateneo. Isa itong pribilehiyo na maranasan ang edukasyon na ibigay sakin ng Ateneo at hindi ko sasayangin ang mga natutunan ko rito. Balang araw ay mararamdaman niyo rin ang saya at lungkot pag kayo'y mamartsa na ay kukunin ang diplomang kay tagal ng pinangarap na makuha. ngayon pa lamang ay bumabati na ako ng "Congratulations!" sa inyo lahat dahil naniniwala ako na lahat kayo ay magmamartsa.
Ars Poetica ni Calbert Amante
Mahirap gumawa ng tula
Sa sobrang hirap ay baka ang bibig mo'y bumula
Sa sobrang hirap, 'di man lang ako makiisip ng magandang panimula
Hay nako wala lumalabas sa aking isipan
Para bagang ako'y pinagtritripan
Bakit nga ba ako'y laging pinahihirapan
Di man lamang tugma ang mga salita
Pag binasa mo to ay ika'y malalanta
Sobrang labo, sobrang ewan
Wag mo nang basahin dahil sobrang maselan
ang pinakasinasabi ng tulang ito
Wala na akong masabi
Tuyo na ang aking labi
kaya naman tinatapos ko na ang tulang ito
dahil baka makakita pa kayo ng multo
sa sobrang labo ng tulang sinulat ko

Ars Poetica ni Carl Cruz
Sa paggawa ng tula, kailangan mo lamang ng papel, panulat at kaunting utak Di mo kailangan ng paksang malupit, simple lamang ay sapat na
Bago ka magsulat, mag-isip muna
At itanong sa sarili, “Ano kaya ang nais kong iparating sa mga mambabasa?”
Sa paggawa ng tula, ginagamit ang puso’t isipan
Kapag wala ang isa sa dalawa, halatang may kulang
Hindi ka makakapag-isip kung wala kang nararamdaman
Hindi ka rin makakaramdam, kung walang laman ang isipan
Ang dalawang ito ang magbubuo ng tula mo
Maiksi man o mahaba, tula parin ‘yan
Tulad nga ng sabi ng isa guro sa akin
“Wala sa haba yan, nasa nilalaman”
Maging tapat ka sa iyong sarili
Upang masulat mo ang nais sabihin
Wag ka making sa mga hirit nila
Ipagpatuloy mo lang ang pagsulat ng tula

Talumpati ni Carl Cruz
Sa apat na taon kong pag-aaral dito sa Mataas Na Paaralan, masasabi kong marami akong naging karanasan, mabuti man o masama.
Sa aking pananatili dito sa Ateneo, masasabi kong ako'y nagsisisi na hindi ko sineryoso ang aking pag-aaral. Hinahayaan kong bumaba ng bumaba ang aking marka bago ako magsimulang mag-aral kaya’t kadalasan ay naghihirap ako upang mabawi sa mga kinakailangang gawin at matapos upang pumasa sa markahang iyon. Nagsisisi rin ako sa mga masasamang bagay na dapat hindi ko ginawa dahil ang mga ito ay nagpahirap sa pananatili ko dito sa Ateneo. Subalit, nakatulong din naman ang mga masamang karanasan na ito dahil ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya upang mabawi ang lahat ng bagay na nagawa ko na nagdulot ng masama.
Sa kabilang banda naman, masaya ako na kinuha ko ang oportunidad na makapag-aral dito sa Mataas Na Paaralan. Malaki ang pasasalamat ko sa Ateneo dahil tinuruan ako ng mga bagay na dapat kong matutunan at tinulungan akong maging responsible at matinong mag-aaral.
Ang mga naging karanasan ko sa aking pag-aaral dito ay naghubog sa aking pagkatao. Hindi lamang ako nakapagkilala ng mga bagong kaibigan, nakilala ko rin ang aking sarili. Kung hindi ako nakapag-aral dito sa Mataas Na Paaralan ng Ateneo, siguradong hindi ako nakatayo kung nasaan ako ngayon, at malamang hindi ko nararamdaman ang saya at pagiging kontento sa mga bagay na mayroon ako.

Talumpati ni Ditto Reyes
Ako Si Juan Edmundo Luis Maria S. Reyes III, ang nagsisilbing valedictorian ng klaseng 2011. Nais ko lang ibahagi ang isang kasabihan. Ang kasabihan na ito ay ang kasabihan na: “Nasa huli ang Pagsisisi”. Sa apat na taon na dinaan ko rito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila. Marami akong pangarap rito na hindi ko nakamit. Marami rin ang mga bagay na gusto ko rin gawin, ngunit hindi ko rin to nagawa. Halimbawa nito ay ang pagsasali ng Basketball Varsity at Debate team, dahil bagbibigay ito ng oportunidad na magbigay ng dangal sa mahal kong Asul at Puti. Pero may buhay sa labas ng paaralan , may oras pa tayo para makamit nating ang ang mga pangarap natin.
Hindi kasama sa mga pagsisisi ko ang pagsasli sa klaseng C2011. Kung hindi po ninyo alam, hindi talaga ako kasapi ng C2011, sinulatan ko si Fr.Eli Lumbo ang punong guro pormasyon personal. Ang laman ng sulat ay kahilingan para sa paglipat ko mula sa klaseng “D”, sa klaseng “C”. Ginawa ko to dahil marami akong kilala sa “C” na galling sa klaseng 1-E. Ang klaseng C2011 ay ang nagsilbing pamilya ko sa pangalawang bahay ko. Ang klase ko rin ay ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para makamit ko ang mga nakakamit ko tulad ng pangatlong gantimpala sa paligsahanng agham at pang- apat na gantimpala sa larong Futsal. Ang klase ko ay ang nagbigay ng katawanan sa akin sa mga oras ng kalungkutan at kabiguan. Kahit may kaiinitan ng ulo at hindi pagkakaunawaaan minsan sa namin, alam ko sa puso ko na magkakapatid pa rin tayo kahit anong mangyari at kahit ilan taon na ang nakalipas. Pag- matanda na ako, siguro makakalimutan ko na ang mga trig ratios at ang mga batas ni Isaac Newton, pero alam ko sa puso ko, na hindi ko makakalimutan ang pagkakasama ko sa aking mga kaklase. Nagdadasal ako araw- araw na hindi kami lalayo sa isa’t isa. Ang buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay masyadong mahirap para idaranas ng isang tao. Ang Kaibigan ay isang pangangailangan sa paglalakbay sa mga marahas na dagat ng buhay dito sa mataas na paaralang Ateneo. Para sa akin, ang mga kaibigan ko ay ang pinakahusay na kaibibigan na puwedeng samahan sa pamumuhay sa mataas na paaralan.
Ang buhay sa mataas na paaralan, una sa lahat, ay para sa pag-aaral. Pero ang mga leksyon na maalala ko habang buhay ay hindi mga leksyon sa klase o sa libro. Ang mga leksyon na maalala ko ay ang pagsisikap , pagtitiyaga, paniniwala sa sarili, sa kapwa, at sa diyos, at ang pagsasaya. Mahirap ang buhay sa Ateneo. Babagsak ka at mabibigo ka rito. Ang mahalaga rito ay dapat titibay ka at lalakas ka, sa bawat bangon mo. Pag bumagsak ka sa isang pagsusulit, dapat mas mataas ang mga marka ng susunod na pagsusulit mo. Kung matalo ka sa isang paglalaro ng basketbol, dapat mas magaling ka sa mga sumusunod na laro. At sa wakas, kailangan may tiwala ka sa sarili, sa Diyos, at sa kapwa. Tinanggap tayo lahat ng mataas na paaralan ng Ateneo. May kagalingan tayo lahat. Kung maay tiwala tayo sa ating mga sarili at sa Diyos, dadali ang trabaho namin at mararamdaman natin ang diyos sa harap naming, at sa loob ng puso namin. At huling huli na, kailangan may tiwala tayo sa mga kaibigan namin. Ang mga kaibigan namin ay ang batong pader namin dahil sila ay ang magdidikit sa amin sa oras ng pangangailangan dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Ang pinakaimportanteng leksyon para sa akin para sa buhay sa mataas na paaralan ng Ateneo ay: namnamin ang oras na kasama ang kaibigan, dahil sila ay a mga tao na umununawa sa inyo sa buong buhay ninyo sa mataas na paaralan ng Ateneo.

Ars Poetica ni Ditto Reyes
Ano ang ginagawa ng isang makata, para magawa niya ang isang tula
Ang isang Makata ay parang isang mangingisda.
Pinaghihintay ng isang magningisda, na mahuli ang isang isda sa lambat
Iiwas ba yung isda O kakagat?
Parang mangingisda yung makata dahil sa totoo, hindi siya ang gumagawa ng tula
Hindi naman gumamagawa ng isda ang mangingisda diba?
Naghinintay lang siya sa pagpasosk sa lamabat ang isang isda
Parang isang makata, na naghihintay ng pagpasok ng mga ideya at imahen sa kanyang isip habang nakaupo sa lamesa.
Ang Tula ay isang buhay na bagay.
Hinahanap ito ng makata, habang-buhay
Parang pirata na lumalakbay sa dagat, para mahanap niya ang nakatagong kayamanan.
O parang isang Lagalag na naghahanap ng Tahanan.
Para sa makata ang kanyang buhay ay ang kanyang tula
Binubuhos niya rito ang lahat ng bagay na mahalaga
Ang kanyang katawan, puso, at kaalaman.
Ang Tula ang kanyang simula, ito na rin ang kanyang katapusan.

Talumpati ni Gabby Sanchez
Mataas na Paaralan. Apat na taong pag-aaral ng mga intermedyang aralin na kung tawagin ay mga araling paghahanda sa kolehiyo. Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral ng simpleng aralin sa mababang paaralan, ito ang panahon na kailangang magseryoso dahil dito mahuhubog ang direksiyon na tatahakin ng bawat isa pagdating sa kolehiyo.
Ito ang pang-unawa at pagtingin ng marami sa atin sa Mataas na Paaralan noong tumuntong tayo sa unang taon. Sa pagdaan ng panahon, tayo ay sumunod sa mga patakaran at kahilingan ng Mataas na Paaralan. Nagsimula tayo na mababa pa ang perspektibo natin sa Mataas na Paaralan noon. Para tayong mga inosenteng mag-aaral na naninibago sa bagong sistema at mga patakaran. Ngayon, sa ating pagtatapos sa Mataas na Paaralan, naranasan natin na hindi pala ito mga simpleng apat na taon lamang na paghahabol at pagkakamit ng mga matataas na marka. Sa apat na taong ito, dito nagsimulang mabuo ang perspektibo natin sa buhay. Dito natin naranasan ang realidad kung paano paghirapan na makamit ang isang bagay at ang ginhawang dulot nito kapag nagawa ito. Dito natin nasimulang gamitin ang ating mga natutunan mula sa mga konsepto ng matematika at sa mga nobela ni Jose Rizal sa ating mga pang araw-araw na gawain at problema. Dito lumakas ang ating relasyon sa ating Panginoon at sa ating kapwa. Dito natin nasimulang makita ng malinaw ang mga mali sa pamamalakad sa ating bansa katulad ng korupsyon at katiwalian ng mga namamahala sa gobyerno. Dito natin nakita at nagamit ang ating husay at potensyal para sa ikabubuti ng ating mga sarili at pagtulong natin sa kapwa.
Kung tutuusin, napakaimportanteng seryosohin ang apat na taon sa Mataas na Paaralan dahil dito mabubuo at mahuhubog ang pananaw at direksiyon natin sa buhay. Ngayon Atenista, umahon at gumanda na ba ang perspektibo mo, o hanggang ngayon ba ay nagpapakabata ka pa rin?

Ars Poetica ni Gabby Sanchez
Tula, tula paano ba kita sisimulan?
Kailangang alamin muna ang paksa
Bago maglaro ng mga salita
Upang malinaw at klaro ang sinusulat
Dapat may persona at anyo
Lagyan din dapat ng tayutay
Mga simbulo't Pilipinong detalye
At napakaimportaneng mensahe
Madali lang pala magsulat ng tula
Mas madali pa kesa maglaro ng Dota
Kailangang alamin muna ang paksa
Bago maglaro ng mga salita
Upang malinaw at klaro ang sinusulat
Dapat may persona at anyo
Lagyan din dapat ng tayutay
Mga simbulo't Pilipinong detalye
At napakaimportaneng mensahe
Madali lang pala magsulat ng tula
Mas madali pa kesa maglaro ng Dota
Ars Poetica ni Poch Gutierrez
Ang pagsusulat ng tula ay parang pagtugtog ng cello, sing-kulay ng salita ang tunog.
Ngunit bago magsimula ang kagandahan ng sining sa iba’t-ibang larawan, kailangan munang pag-isipan. Kumbaga, ika’y huhugot ng inspirasyon sa iba’t-ibang sulok ng iyong buhay.
Kadalasan, ang inspirasyon ko ay ang “pagmamahal”.
Pagmamahal sa kahit ano man na tinutuunan ko ng pansin at madalas ito’y nahahanap sa isang dalagang aking ninanais.
Sa pagtula at pagtugtog, dinadaan ko ang mga salita at nota ng aking kamay at inihahambing ang bawat tunog at letra sa anumang inspirasyon ko.
Bawat talinghaga ay katumbas ng malinis at buong-buo na nota at ang katapusan ng salita ay may kasunod na tunog ng cello.
Sa bawat pagtugma ko ng mga salita ay kasing kulay narin ng pagdugtong-dugtong ng nota sa piyesa.
At sa pagtatapos ng huling pagbagsak ng nota, naitaas narin ang bolpen para sa tula.

Talumpati ni Poch Gutierrez
“Pwede na”. “Sapat na”. “Okay lang yan”. Ito’y mga salitang madalas marinig kapag ang estudyante’y nakapasa o pasang-awa sa isang eksamen dito sa ating Mataas ng Paaralan. Ngunit sa kabila ng pagiging “sapat” may mga estudiante pa ring lalo pang umangat sa gradong “pwede na”. Gusto mo sabhining ako’y umangat sa bawat taon ng aking pag-aaral sa Ateneo, hindi ko ito masasabi. Para sa akin, mahirap makakuha ng magandang marka sa mga iba’t-ibang asignatura lalong-lalo na sa Matematika at Agham dahil rin sa mga halo-halong rason ng katamaran at napakahinang disiplina sa sarili. Pero bakit kayo nakikinig sa aking sinasabi? Dahil ako’y binabago at patuloy na binabago ng eskwelahang ito.
Magmula unang taon, nakikipagsapalaran ako sa akademiko upang makamit ang mga matataas na grado. Ngunit sa kasamaang-palad, mula noon hanggang sa pagtatapos ng Mataas na Paaralan, wala akong maipagyayabang ni isang karangalang pang-akademiko. Sa simula nga rin, ako’y lubos na nahirapan maghanap ng mga tunay na kaibigan at lalong-lalo na sandamukmok na gawaing-bahay. Hindi nagtagal ay nakahanap din ako ng mga matatalik na kaibigan at marami sa kanila sa galing sa aking klase na ang C2011. At simula ng ikalawang taon hanggang ikaapat na taon ko sa Ateneo, sila ang naging kaakbay ko sa aking mga pagkakabigo at tagumpay.
Subalit, ang natununan ko ng lubos sa apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila ay ang simpleng pagninilay. Araw-araw, may nagaganap ng pang-umagang pagninilay sa “PA” ng klase at doon ko nasimulang makita ang epekto nito sa akin. Bawat desisyon ko, magmula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliliit ay dinadaan ko sa kaunting pagninilay. Para sa akin, naging parte na ito ng aking konsensiya at nagsisilbing gabay sa pagiging tao ko para sa pamilya, kaibigan, at pati na rin sa lipunan.

Ars Poetica ni Robert Sena
Isang tula tungkol sa pagsusulat ng tula
Meron ka nang nabasang labing apat, siguro’y eto’y nakakasawa. Lagyan mo ng mababaw ng paksa, at malabong layunin
Dagdagan ng walang kwentang tema, at ang mga tayuytay ay kalimutin.
Walang mensahe, parang pipeng sumisigaw.
Walang katuturan, parang nagsampay na walang araw.
Tangalin mo na rin ang ganda at ginhawa
Ganito lang kadali gumawa ng supot na tula.

Talumpati ni Alan Bautista
Magandang gabi po mga Administrador, mga gurp, mga magulang, at mga kapwa kong estudyante dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Nandito po ako bilang ang inyong valedictorian ng klase 2011 ng mataas na paaralan. Sa apat na taon ko dito sa AHS, masasabi ko na naging atao ako para sa kapwa. Natuto akong magbigay ng aking buong sarili sa mga kapwa kong mahihirap dahil sa tulong ng Campus Ministry office. Natuto akong magmahal ng mga mahihirap. Nagamit ko ang aking mga natutunan sa aking pag-aaral. Ang imemensahe ko lang sa inyong lahat, ay wag ikalimutan ang Diyos kay Siya ang magsisilbing guide sa inyong lahat sa buong. Maraming Salamat sa inyong lahat.
-Alan Bautista
-Alan Bautista
Ars Poetica ni Gio Pineda
Pakinggan mo ang ihip na hangin,
Hayaan mong dumaan ito sa iyong mukha.
‘wag mong pigilin ang sarili mong tumalon sa bangin
Tumalon ka lang; ‘wag matakot madapa
Pakinggan mo ang dalo’y ng tubig
Damdamin mo ang init at lamig.
Waring ilog na puno ng pagibig,
‘wag mong bibitwan, humawak ka sa katig.
Parang kandelabrong unti-unting nauupos,
Darating ka sa puntong wala ng lalabas,
‘wag matakot, kung ito’y mauubos,
Huminga ng malalim at wag aatras

Talumpati ni Gio Pineda
Apat na taon na ang nakalilipas nang ako’y unang tumapak dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo De Manila. Sa una, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko bilang hindi ko naging desisyon ang mag-aral sa pamantasang ito. Ako’y napilitan laman kung kaya’t ganoon na lamang ang sama ng aking loob.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon at ako’y unti-unting napalapit sa pamantasang ito. Unti-unti kong niyakap ang mga bagong ideya at kulturang itinuro sa akin. Ngayon na ako’y magtatapos na, unti-unti kong naaalala ang pagsisimula ko sa pamantasang ito. Sa aking pagbabaliksa nakaraan, aking nababanaag ang mga pagkakataong ako’y nagkulang. Aking napagmumunihan ang mga hakbang na nais kong palitan o dili kaya’y itapon na lamang sa mundo ng kawalan. Sa aking pagbalik sa kasalukuyan, aking napagtanto na wala na akong kapangyarihan na bumalik sa nakaraan at ayusin ang mga pagkakamaling aking ginawa. Datapwat wala na akong magagawa sapagkat wala ng oras, nais kong iparating sainyo na kayong mga nag-aaral pa dito sa pamantasang ito ay mayroon pang pagkakataon na maisaayos ang mga pagkakamaling inyong nagawa. Wag niyong sayangin ang ginintuang pagkakataong ito sapagkat pagdating ng oras na kayo’y magtata[ps na, doon n’yo pa lamang malalaman ang kahalagahan ng lahat ng bagay na inyong isinantabi sa nakaraang apat na taon ng inyong pamamalagi dito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila.
Hinihikayat ko kayong magising sa katotohanan na unti-unti ng nauubos ang buhangin ng orasan. Unti-unti ng nauubos ang mga pagkakatong ibinigay sainyo. Tama na ang paghimbing sa realidad ng buhay. Magising ka Atenista, Bumango ka’t buksan ang iyong pakpak at lumipad patungo sa tugatog ng tagumpay.

Talumpati ni Denzel Diaz
Karma at bagong Kabanata
Karaniwang mas madali ang pagsasabi ng “Hello.” Kaysa sa “Goodbye”
Sabi nga ng pamoso na English Playwright na si William Shakespeare, “Parting is such sweet sorrow.” Meron nga kayang matamis na pag dadalamhati?
Aking kamag-aral, totoo ngang malapit na ang aking pag papaalam. Sa pag paala ko ay mayroon akong tinatawag na “mixed emotions”, dahil dito ay makakaramdam ka ng halong kaligayan at kalungkutan.
Ganito ngayon ang akig nararamdaman. Isang katotohanan na sa pag layo naroon ang tinatawag na dapat may “move on” dahil sa pag hakbang sa isang panibagong kabanata sa ating buhay at harapin ang mga pag subok at hamon na susuungin ng taong nag papaalam.
Ito’y is ring kalungkutan sapagkat ito’y pag tatapos, subalit di katapusan ng maliligayang araw aking mga karanasan ditto sa mataas na paaralan. At ang mga pagsasama-sama ko at ng aking kaibigan at mga kaklase ay nagbigay ng mga bagong kaalaman at kulay sa ating buhay na nagbigay daan upang ako ay lalong maging matibay, maatag at maalam.
An gating saahan ay ang pag bubuklod-buklod ng lahat upang harapin at bigyan ng kabuuan ang kahalagahan. Ito ang tinatawang nating “complementing relationship” na siyang pinagyamanan sa apat na taon naming ditto sa mataas na paaralan.
Isa lamang na habilin ang aking nais ibahagi sa mga maiiwan – yung paalaala na ang bawat isa ay may mahalagang bahagi na maitutulong sa pag usad at pag sulong nang sino man. Sabi nga “United we stand, divided we fall”.
Iwasan ang pag sisikuhan at pag tutulakan, o ang tinatawag na “crab mentality”, para lang maunahan ang iba, sa mga maiiwan palaging isaulo at isa puso ang pag galang sa karapatan ng bawat isa. Ika nga “Do not do unto others what you do not what other to do unto you”.

Ars Poetica ni Denzel Diaz
Tulang Tulala
Hindi ko alam kung paano magsimula
Sa pagturo ng pag sulat ng tula.
Marami kasing klase ng tula,
Mula English sonnet, haiku, pati na tanaga.
Paano ba mag sulat ng tula?
Kailangan bang magkakatugma?
Dapat ba itong may halaga
O kaya mayroong persona?
Pero sa tingin ko,
Ang kaisipang ito’y hindi totoo.
Simple lang ang pagsulat ng tula.
Kumuha ka lang ng panulat na may tinta.
Tapos isulat mo ang lahat ng nsa isip mo
At lagyan ng damdamin ang mga salita na ito.
Pagkatapos ng lahat ay himala!
Nakasulat ka na pala ng tula!

Ars Poetica ni Manu Buendia
"ISA"
Isang damdamin,
Isang may gustong umamin,
Isang may sasabihin,
Tungkol sa taong minamahal.
Isang nota,
Isang parang balota,
Isang parirala,
Na sinasabi "Mahal Kita".
Isang maikling mensahe,
Isang perpektong babae,
Isang mahal na sana dumami,
Mahal ko siya,
At ito ang kanyang tula.
Isang damdamin,
Isang may gustong umamin,
Isang may sasabihin,
Tungkol sa taong minamahal.
Isang nota,
Isang parang balota,
Isang parirala,
Na sinasabi "Mahal Kita".
Isang maikling mensahe,
Isang perpektong babae,
Isang mahal na sana dumami,
Mahal ko siya,
At ito ang kanyang tula.
Talumpati ni Manu Buendia
Isa lamang akong pangkaraniwang estudyante at wala akong karapatang tumayo sa harap ninyo ngayon. Pero dahil binigyan ako ng pagkataon ng diyos, nais kong samantahalin ang oras na binigay Niya sa akin.
Ang aking buhay sa ateneo ay parang isang laro ng basketbol. May oras na ako'y nangunguna at parang sigurado na ang aking panalo, pero may oras din kung kailan kailangan kong humabol dahil ako'y nahuhuli. Nagkakaroon rin ako ng "Time-Out" kapag kailangan kong mahabol ang aking hininga at para makabalik ako sa daan. Ang aking mga guro ay parang "coach" ng koponan. Bawa't mali ko ay tinatama nila. Kapag kailangan ko ng tulong, tutulungan nila ako. Pero higit sa lahat, nandoon sila para makatulong sa aking pagpanalo sa laro at buhay. Ang aking mga kasama sa koponan ay parang aking mga kaklase, dahil sila'y nandiyan para sa akin kapag kailangan ko ng tulong sa pagiintindi ng sinabi ni "coach".
Bawa't kapat ay may halaga at importante rin ang magagawa mo bawa't kapat. may "coach" ka para maturuan ka ng tama. May "Time-Out" ka kung kailangan mong humabol. At may mga kasama ka sa koponan para matulungan ka sa iyong paglalakbay sa iyong biyahe bilang Atenista.
"One Big Fight."

Ars Poetica ni Viktor Kapunan
“Garden ni William Shakespeare at Francisco Baltasar”
Ang bulaklak mayroong pinipiliing panahon kung kailan ito mamumukadkad
May mga bulaklak na may binibagayan
Karamihan mahalimuyak, karamihan din makulay
Ang pagsulat ng tula, may panahon 'yan
Paminsan, maganda magsulat kapag malungkot, o in-love
Ito kasi 'yong mga panahon na pinakanapapakita ang tunay na damdamin
Parang isang bulaklak, may panahon kung kailan buong pamumukadkad nito ipinapakita ang tunay nitong ganda
Sa tuwing Valentine's Day, rosas ang pinakamabili
Sa lamay naman, orchids na kulay ube ang inaalay
At gaya ng tula, may estilo ang pagbuo batay sa kung saan ito babagay
Kagaya ng haiku, binabagay ito tungkol sa paksang kalikasan
At kung anu-ano pa
Sa isang garden, nagkalat ang iba't ibang klase ng bulaklak
Ganoon din sa larangan ng tula
Nagkalat sila, at hindi mawari kung alin ang naiiba
Mayroon kang makikitang
"Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog."
Mayroon din namang
"Salamat Kaibigan sa iyong pagdamay
at ako'y nakawala sa tanikala ng lumbay."
Bagaman sila lahat ay nag-iiba ng tema at estilo
Gaya ng isang bulaklak, ito ay may napapakitang katangi-tanging ganda
Ars Poetica ni Raffy Tolentino
TULAy
Ang tulay, kadalasan, makikita ‘yan sa magkabilang dulo ng dalawang magkalayong lugar
Minsan, mahaba-haba ang lalakarin, minsan din naman, ‘di gaano
Iba’t ibang uri ‘yan, may tulay na gawa ng MMDA, mayroon ding Golden Gate Bridge
Ang tula, para yang tulay. Bakit?
Sa tula kasi, mayroon ‘yang magkabilang dulo na dapat na magtugma
Hindi kinakailangang pagtugma sa salita
Ngunit, ang tinutukoy nito ay ang pagtugma ng ideya
Marami na akong nabasa na tula na maikli
Mayroon din naman na walang katapusan ang aking pagbasa sa ubod ng haba
Ngunit, minsan, hindi nagkakaiba
Kadalasan pa nga, pareho lang ang sinasabi.
Kagaya ng tula, ke mahaba pa ‘yan, o maiksi, makakarating ka rin sa kabilang dulo niyan
‘Yong tulay ng MMDA na kulay pink, parang tula ng pag-ibig
Wala lang, kasi kulay pink kaya pag-ibig
‘Yong Golden Gate Bridge, parang kay Ludwig Beethoven na
“Ever thine, ever mine, ever ours.”
Kasi sa haba ng tulay na ‘yon, at sa puro fog lang na makikita mo, parang nawawala ka.
Kaya tingnan mo, itong tula ni Ludwig, ang iksi nga, pero ang lalim, ‘di ko gets.
Nawala din ako.
May comedy, drama, mayroon ding walang katuturan
‘Yong walang ka-sense sense, pero tula pa rin siya kasi may tugma
Ngunit, kahit ano pa man ‘yang tula na ‘yan
Basta may EMO-tions, pwede na rin
Maipahiyag ang pakay
Maipakita ang nais
Mapadama ang damdamin
Siguradong tulay ‘yan sa pagbuo ng isang tula

Talumpati ni Raffy Tolentino
Maganda gabi sa inyong lahat, aking mga guro, kaklase, kapwa-kapatid, at mga magulang. Isang karangalan para sa akin ang tumayo sa harap ninyo, mga magigiting na tao, at magbigay ng isang talumpati tunkol sa aking natutunan sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila.
Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking mga guro at kaklase, sapagka’t, binigyan niyo ng kulay ang aking buhay at aking natutulog na puso. Bakit natutulog? Dahil natuto akong magmahal, mahalin kayo, kaya maraming salamat. At higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil Siya ang rason kung bakit ako nandito ngayon sa harap niyo.
Sa lahat ng aking natutunan sa Magis at 5C’s, ang nangibabaw ang pagiging maka-Diyos. Ito, para sa akin ang pinakaimportante, sapagka’t kung hindi tayo maka-Diyos, wala tayong mapupuntahan, at lalayo lang tayo sa ating landas. Ang Diyos ang nagbigay sa atin ng oportunidad na mag-aral tayo, bigyan ng mga masisipag na magulang at matatalik na kaibigan, dahil alam Niya kung ano ang nakabubuti sa atin. Siya ang may alam kung ano ang ating kinabukasan. Tayo ay laging manalig sa Diyos. Ialay natin ang bawat krus sa Diyos. Paano? Pagtulong sa mga mahihirap, pagtapon ng basura na nakikita sa sahig, o kaya tulungan ang ating mga kaklase. Lagi nating isipin na dapat ang Panginoon ang nasa gitna ng ating buhay, Siya ang kumikilos at nagbibigay buhay sa atin. Ika nga sa Ingles, “God first, and everything follows.”
Sa aking pagtatapos, ilalahad ko lang ang paulit-ulit nating naririnig, at ito ang, Ad Majorem Dei Gloriam, ‘For the Greater Glory of God.’ Ito ay ating,gampanan, ating isabuhay. Maraming salamat po sa inyong lahat at basbasan kayo ng Panginoon.

Talumpati ni Robert Sena
Isang Sarkastikong Pagbabatid sa Aking Kapwa Atenista
Ang karaniwang panimula sa isang sulat na pagpapabatid sa mga mas batang Atenista ay “Sa aking kapwa-Atenista”. Isa itong kagalang-galang na panimula ngunit tingnan natin ang salitang “kapwa”. Kapwa nga lang ba kapag Atenista ka? Kapwa lang ba kapag naka asul kang polo, kapag maayos ang iyong gupit at buhok, at kung mabango ang simoy ng hangin tuwing dumadaan ka? Kapwa lang ba kung laging may laman ang iyong malalim na bulsa? Sana napaisip ka.
Sa katunayan, maari nating sabihin na maraming Atenista na hindi naman talaga Atenista. Marahil kasi ang tingin ng karaniwang ngunit hindi masasabing tunay na Atenista sa ibang tao ay hindi tao. Ang tunay na Atenista ay marunong makitungo sa kapwa, at binibigyan niya ng paninindigan ang kanyang pagigingmakatao at hindi lang nagbibigay ng malasakit para lang sa kanyang mga “kapwa-Atenista”. Ang rami ko nang nakitang mga Atenista na ang kakapal ng kanilang pagmumukha. Bakit? Kasi wala na silang ginawa kung hindi manghusga ng tao at ang kanilang pinagbabatayan ay napakababaw. Kasama na rito ang mga katangiang pisikal at sosyo-kultural, paraan ng pananamit, kutis ng mukha, kung siya’y mapayat o mataba, kung maitam man o maputi,mayaman,mabait, magaling sa math at kung magaling siya magbasketbol. Eto ang mga ehemplo kung ano ang pinagmumulan nang pagiging kapwa para sa karumal-dumal na mga Atenista. Ngayon na ako’y magtatapos rito sa mataas na paaralan ng Ateneo De Manila ang mga limag C’s, mga programa ng TD at CSIP at kung anu-ano pa ay mga suntok sa buwan para sa mga mag-aaral. Kumbaga, bato-bato sa langit, sana may matamaan. O sa mas medaling salita, pasok sa tenga, labas sa kanila. Sa aking pagkadisma, masasabi ko na may mga Atenista na magtatapos na walang natutunan.
Kaya kapwa-Atenista, atenista ka ba talaga? Siguro pag kinakanta na ang Alma Mater o pagnanalo tayo sa basketball ay nakataas ang iyong kamay. Pero pag ang tingin mo sa iyong katabi ay medyo kakaiba sa karaniwan, inaabot mo ba iyong mga kamay? “Man-for-others” raw diba? Mahaba pa ang iyong paglalakbay, kaibigan. Bigyan mo ng paninindigan ang iyong pagiging Atenista para ‘pag ika’y nakatapos na,matatawag ka ring tunay na Atenista.

Talumpati ni Viktor Kapunan
“Ang Dapat Mabatid Ng Mga Atenista”
Mga guro, opisyal, aking mga kapwa Atenista, at mga minamahal naming mga magulang, aking kinalulugod na mabigyan ng pagkakataong maibahagi ang aking karanasan sa aking apat na taon na pananatili sa butihing Mataas na Paaralang ito.
Sa aking tinagal sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila, marahil aking nang naranasan ang halos lahat ng maaaring maranasan ng isang Atenista mula unang taon nito hanggang sa pagtatapos. Ngunit, akin lamang gustong ihandog ang ilan sa tingin kong pinakamahahalagang bagay na aking natutunan. Ang mga ito ay nais ko sanang mabatid ng aking mga kapwa Atenista, na sana, sa kanilang pagpatuloy paaralang ito ay kanila itong sariling matuklasan at isabuhay.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Una sa lahat, bilang Atenista, kailangan gampanan ang bawat responsibilidad na iniatas ng kahit na sino pa man – maaaring ang mismong nakatataas na opisyal ng paaaralang ito, ating mga guro, o kapwa mag-aaral lamang.
Hindi ako magmamalinis at itatanggi na mayroon akong mga responsibilidad na aking pinagsawalang-bahala. Subalit, dito ko natuklasan ang kahalagahan at kahulugan ng maatasan para sa proyekto. Sa bawat proyekto, marami ang nakasalalay – hindi lamang grado kundi pati na rin ang tiwala na ipinagsaalang-alang upang maging matagumpay ang mga pangarap mo sa buhay. Paminsan, hindi makakaila na tinitingnan natin ang responsibilidad base sa bigat nito. Dapat, sa bawat responsibilidad, pantay-pantay ang pagtingin dito, at ito ay dapat masagawa ng mahusay at hindi gawa ng napilitan lamang.
Ikalawa, upang gampanan ang pagiging tao. Napakasimpleng unawain, ngunit, napakahirap panindigan at pangatawanan. Maging tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa kahit na sinong tao at pag-unawa sa lahat ng pagkakataon dahil sa lahat ng pagkakataon, mabuti pa rin na magpakumbaba kaysa maging mapagmalaki sa sarili. Dahil dito, umuugnay na rin ang responsibilidad na gampanan ang pagbibigay pugay at utang na loob sa mga taong gumabay sa paglago ng kaisipan. Ang tanawin ang kabutihan ng iba ay ang tunay na susi sa pagtatagumpay ng isang Atenista dahil sa pagtanaw ng kanilang kabutihan. Iyong matutuklasan na sila ang naging tunay daan sa bawat tagumpay na iyong natamo.
Ngunit, ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang gampanan ang pagiging anak ng Diyos. Ito ang masasabi kong pinakamahalaga sa lahat. Sapagka’t, kapag ito ay iyong natuklasan, iyo ring matutulkasan ang ganda at buti na naidulot ng Mataas na Paaralang ito at lahat ng bumubuo nito. Ang Diyos ang naghandog ng magandang regalo na tayo ay maging isa bilang isang komunidad.
Aking pinagpapasalamat ang pagbibigay oras niyo sa akin. Mabuhay kayo at pagpalain kayo ng Maykapal!
Talumpati ni Sam Cristobal
Ang Dapat Mabatid ng mga Atenista
Kilala ang mga Atenista bilang magaling, matalino, masipag at kung anu-ano pang mga pang-uri na katulad ng mga nabanggit. Sa katunayan hindi ka makapapasok sa Ateneo kung wala ang kahit isa sa mga katangiang ito sa iyo, sa dami ba naming gawaing ibinibigay ng guro at ‘pag magkakaroon ng pagsusulit o mahabang pagsusulit eh tiyak para kang sundalong nakikipag- barilan sa mga terorista. Sa kadahilanang ito marmaing mga Atenista ang sumusuko na lamang kapag nagkakaroon ng hirap sa kanilang buhay sa pag-aaral.
Pangkaraniwan na sa buhay ng tao ang sumuko kapag nahihirapan o dili kaya eh hindi na kayang gawin ang ginagawa. Mayroon akong guro noong ikatlong taon na nag-iwan ng kataga sa akin na hindi ko malilimutan, “resilience” o “ to bounce back”. Lahat ng tao ay maaaring bumangon muli sa pagkakadapa, lahat ay may abilidad na “ bounce back” patungo sa nararapat tunguhin.
Ang dapat niyong mabatid ay huwag na huwag susuko dahil darating ang oras na ika’y makababawi muli. Ito ang natatak ng apat na taong pamamalagi ko ditto sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila.

Ars Poetica ni Sam Cristobal
Hulma
Sa pagsulat ng tula ika’y gumagawa ng paso,
Bihira na ang hugis nito’y walang baliko.
Tama lang dapat ang kapal
Dahil kapag sumobra ay bawal.
Sa bawat ikot sa kamay ay nahuhulma
Ang hugis na nakamamangha.
Kapag ito’y iyong nakita
Ika’y matutulala sa ginamit ditong mahika.

Ars Poetica ni Alejandro Abando
"Bomba"
Kapag ako'y gagawa ng tula 'di puwedeng bara-bara
Dapat parang bombang nagtatanggal ng bara.
'Di lang kahit anong bomba, dapat Atomic bomb
Na may halong Liquid Sosa
Pero minsan, 'di kaagad sumasabog
Sumasabit sa paghulog at di natatanggal ang bara.
Naghihintay ako ng tunog, yung tipong kaboom at hindi kapoof.

Talumpati ni Alejandro Abando
Isipin ninyo, apat na taon na tayo rito sa Ateneo. Tapos na rin ang buhay natin sa mataas na paaralang ito. Apat na taon na natin naririnig ang "5C's", "Lux in Domino", "AMDG", "MAGIS". Nakakasawa na pakinggan ang mga ito, ngunit isinasabuhay ba natin ang mga ito?
Maganda ang gustong ituro sa atin ng Ateneo. Pagnarinig nga natin ang deskripsyon ng isang tunay na Atenista, nakabbibighani pakinggan. Ang Atenista ay isang taong isinasabuhay ang "5C's". Kagaya ng sinabi ni Gandhi tungkol sa Katolisismo, "I admire the ideologies of Catholicism, but not the Catholics." Mapapahanga
ka sa mga ideolohiya ng Ateneo, ngunit ano ba ang masasabii sa ating mga Atenista? Noong gumawa ako ng dokyumentaryo sa Pilipino, karamihan sa aking mga nakapanayam ay di alam ang "5 C's". Ang "5 C's" ay dapat nating isabuhay kaya kung di natin ito'y masabi, di natin isinasagawa.
Lahat tayo ay maghihiwalay na. Yung iba ay pupunta sa Ateneo, yung iba ay pupunta sa DLSU o UP, ngunit Atenista pa rin tayo sa kaloob-looban. Atenista tayo hindi lang dahil tayo'y nagtapos sa Ateneo, kundi dahil nakuha natin, naisasabuhay natin ang ideolohiya ng isang Atenista. Ang natutunan natin sa Ateneo ay dadalhin natin kahit saan kaya huwag natin itong kalilimutan.

Talumpati ni Migs Santiago
Sa mahal kong mga kaklase, naabot rin natin ang katapusan ng ating mahabang paglalakbay dito sa Mataas na Paaralan. Marami tayong pinagdaanan sa ating pagsasama. Sa bawat social night, PALIG, KLIK, Ani mo Ani ko at Linggo ng Wika, masasabi ko na gumawa tayo ng mga alaalang ating matatandaan habang buhay. Kaya sa araw na ito ng ating pagtatapos, ang masasabi ko lamang ay salamat para sa lahat ng ating pinagdaanan. Hindi sana ako na'ndito ngayon kung hindi dahil sa inyong walang tigil na pagmamahal ang pagsuporta. Salamat sa inyong lahat.
Ars Poetica ni Migs Santiago
Berde ng dahon, pula ng dugo,
Ihip ng hangin, sa tapang kinikilo,
Ang dangal ng isang bayang nahainan ng kaguluhan,
Walang kuwenta'ng bala'y muli'y masusubukan.
Lakbay
“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?” Ito ang mga unang salita ng kantang Kanlungan ni Noel Cabangon at pagnaririnig ko ang mga salitang ito, napapaisip ako at sabihin na onga naman, hindi maaring bumalik sa kahapon, sa tapos na at nakalipas. Ngayon na nagtapos ako sa mataas na paaralan, ang maaari ko lamang gawin ay magbalik-tanaw at tignan ang lahat ng nangyari sa nakalipas na 4 na taon. Ang unang taon ko sa mataas na paaralan ay halos pareho sa unang taon ninyo dito, paghahanap ng mga kaibigan sa bagong klase at pagtatag ng sariling pangalan. Sa pangalawang taon, lahat tayo ay nakasama ang ating mga “block mates” at dito rin nagsimula ang ating sama samang lakbay patungo sa katapusan. Sa lakbay na ito, marami akong nadaanan kasama ang pamilya ko na C2011, malungkot man o masaya, kasama ko lagi sila. Lahat ng problema na nadaanan natin ay pinagtulungang gawin ng solusyon at lahat ng ating mga wagi at sawi ay kasama sa ating buhay sa loob ng 3 taon. Totoong malungkot na sabihim na duumating na rin tayo sa katapusan at kung maaari lang, babalikan ko sana ang lahat ng mga gimik at saya na nangyari. Pero yun nga, sa pisikal na aspeto, imposible toh ngunit, lahat iyon ay na sa loob ng aking puso at kailanman, di ko ito makakalimutan. Sa aking mga kapatid at kaibigan sa nakadaang 3 taon, mahal na mahal kong kayong lahat at alam kong mahal niyo rin ako. Ang pagtapos natin sa mataas na paaralan ay hindi pagtapos ng ating lakbay, ito ang ating pagtawid lamang sa bagong daan sa buhay natin. Maraming salamat C2011.
Ars Poetica ni Kenneth Poe
Pa'no nga ba?
Malamang ang tula ay may iisang paksa
Kung saan nakalibot ang mga salita.
Kung minsan ang dulo ay magkatugma
At dito nagmumula ang talinhaga.
Ang punto at kalaliman ay na sa konteksto
At magegets mo kung hindi ka bobo.

Talumpati ni Carlos Inigo
"Malamang magaling ka" ang lagi kong naririnig kapag riniripresenta ko ang Ateneo na larangan ng palakasan. At aaminin ko sa inyo, nahihiya ako kapag sinasabi ito sa akin. Hindi ako magaling, hindi ako mahusay. Dala lang ito ng pagiging "Atenista" natin. Masasabi niyo bang pagkatapos ng apat na taon niniyo dito, isa kayong tunay na Atenista?
Sa pagtatapos niyo dito, lagi niyong tatandaan na dala ninyo ang inyong pangalan at hindi ako pangalan ng Ateneo. OO, magaling nga kayo dito, ngunit hindi alam ng lahat na isang kayong Atenista. Respetuhin ninyo ang lahat ng tayo, kahit na sila ay mabaho, panget, maliit, mataba, malamang lamang mataas ang tingin nila sa'yo. Pakitaan ninyo sila na hindi dahil naka uniporme kayong asul at naka ID kang pang Ateneo, ay magiging masunurin sa labas, hindi, pakitaan ninyo na magaling kayo kahit hindi nila alam na isa kang Atenista. Isapuso ang 5C's ito'y magdadala sa inyo habang buhay.

Ars Poetica ni Carlos Inigo
Kapag ako'y tutula, hindi ko gagamitin ang aking mga kamay.
Kapag ako'y tutula, malamang maiiwanan kita sa aking pagtatakbo.
Sa isang iglip mo lang ay mawawala na ako sa iyong tabi at ako'y nasa harapan mo na.
Hindi lang ito mangyayari sa pagtatakbo, hanggang sa larangan ng pagtalon at pagtapon ako'y maghahari sa'yo. Hindi lang dahil ako'y naka asul, makakain kita, ito'y dahil ako'y isang manlalarong minahal ang ginawa.
At sa pagtatapos ng karera hindi ako magyayabang, sa halip pasasalamatan ko ang Diyos at maglalakad palayong isang masayang manlalaro.

Talumpati ni Lean Kintanar
Pagkatapos ng apat na taon. Natapos na rin ang ating pagaaral dito sa mataas na paaralan ng Ateneo de Manila. Tayoy pumapasok na sa susunod nating kabanata sa aking buhay. Ang pagaaral natin sa kolehiyo, hindi importante kung ang kolehiyo na yun ay nandito pa sa Ateneo o iba na. Ang importante ay tayo’y magseryoso na sa kolehiyo, hindi na tayo mga bata, bawal na ang pagcacram o ang pagiging tamad. Hindi na kaya ang “stock knowledge” sa koloehiyo, kailangan na rin mag-aral.
Ngunit, huwag natin kalimutan ang apat na taon natin dito, ang mga masaya at ang mga masama. Ang lahat na natutunan natin dito. An ating mga kaklase na parang ngayon, hindi lamang mga kakalase ngunit mga kapatid na rin. Ang mga gurong naturo sa atin, kahit na makulit tayo, hindi sila tinamad o napikon sa atin, at nagturo parin. Ang recess at lunch period, ang pagtatambay kasama ang barkada, kumakain lang, o nagrereview bago isang Long Test.
Marami tayong mga maalala dito sa mataas na paaralan ng Ateneo. Sana , hindi natin makaklimutan. Sana tayo parin ay magiging Atenista sa labas ng Ateneo, sa ibang kolehiyo, at kapag nagtaopos na rin tayo sa kolehiyo. Huwag nating kalimutan kung sino tayo talaga, ang AMDG, o ang 5 C’s. Compassion, competence, commitment, Christ-centered, conscience. Huwag nating kalimutan, na tayo, ay Atenista.
Ars Poetica ni Lean Kintanar
Ang tula ay nagsisumala sa isang emosyon o paniniwala,
Na gusto mo ipahagi sa mundo.
Parang simple lang naman diba? Pagsusulat lang naman ah.
Ngunit, kapag sinusulat mo na, ayun, nakakasabaw at magulo.
Hindi ito parang matematika, na may solusyon .
Ang sinusulat mo ay kailangan ito ay tapat at totoo.
Pero, bawal kang matakot gumawa ng tula, sayang naman ang pagkakataon
Sabihin kung ano talaga ang nasta utak at puso mo.

Ars Poetica ni Gael Mendoza
Daloy
Ilabas lang ng ilabas,
Sundin lang ang daloy ng isip,
Hindi kailangan magkakatumbas,
Ang mga salitang naiisip.
Tila isang mahabang ilog,
Hayaang isabay sa daloy ng tubig,
Ang mga bersong naghuhubog,
Ng mga nararamdamang pag-ibig.
Talumpati ni Gael Mendoza
Sa loob ng apat na taon, nagbago ang aking buhay. Galing sa isang mag-aaral na walang pakialam sa paligid at walang kahit na anong pakialam sa pag-aaral ko, naging isa akong pinuno ng klase at marami pang iba. Sa katotohanan, ako’y nahirapan pang makapasok dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. Kinakailangan ko pang sumulat kay Padre RB Hizon upang makapasok at makapag-aral ako dito.
Sa loob lamang ng apat na taon, nagbago ako. Nagbago ang pakikitungo ko sa aking pag-aaral, kaibigan at sa aking pamilya. Noong nakasali ako sa Sophcom o ang Sophomore’s Night Committee, natutunan kong mag-aral para sa isang mahabang pagsusulit. Natutunan kong pansinin ang aking mga grado. Pagkatapos ng ikalawang taon, naging pinuno ako ng aking klase at naging punong sekretarya ng ACO o ang Assembly of Class Officers. Dito ko natutunan magsakripisyo para sa aking mga kamag-aral. Sinakripisyo ko ang lahat ng mga panahon na makakasama ko ang mga kaklase ko tuwing lumalabas sila o kaya tuwing tanghalian na sa “caf”. Ngunit ang tumulong sa aking gawin ang lahat ng ito ay ang pag-alay nitong lahat sa Panginoon. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi ko ialay itong lahat sa Panginoon. Siya ang nagtulak sa akin upang magawa ko ang lahat ng ito.
Marami tayong kinatatakutan marahil hindinatin alam kung ano yung pakiramdam na iyon. Yoon ang aking naramdaman noong pinag-iisipan kong sumali sa Assembly of Class Officers. At dahil sa Panginoon, malayo na aking napuntahan. Galing sa isang hindi natanggap sa mataas na paaralan, patungo sa isang natanggap sa kolehiyo. Lahat para sa kaluwalhatian ng Panginoon.

Talumpati ni Paco Latinazo
TALUMPATI:
Siguro dahil tayo'y nagtatapos na ay ngayon lang natin nakikita ang halaga ng mga naranasan natin sa apat na taong nakaraan na. Maganda man o masama ang mga pangyayaring ito, ngayon lang natin naiintindihan na hindi na natin mababalikan ang mga ito. Ang mga ito ay magiging kwento na lamang kapag nagkakasama tayo, tawanan, at ang paborito ng lahat, gaguhan.
Ngunit kahit gaano kahalaga ang mga ito, dapat rin na hindi tayo sobrang ma-absorb sa mga isipan na ito; kailangan natin matandaan, bakit nga ba tayo umaalis dito? Siguro ang sagot siyan ay dahil binibigyan tayo ng mga pagkakataon upang makagawa pa ng mga karanasan na pwedeng bigyan ng kahalagaan, at mapag-usapan kapag kasama ang ibang tao. Dapat hindi tayo manatili sa mga nakaraan. Oo, dapat hindi natin makalimutan ang ating pagsasama sa mga naging kaibigan at kaklase dito sa Mataas na Paaralan, ngunit hindi ibig sabihin na hanggang doon na lamang ang ating aabutin. Hindi pa tayo tapos sa ating buhay; halos di pa nga siguro tayo nagsisimula. Sana'y maging mulat ang ating mga mata sa maaaring mangyari sa darating na taon. Alam ko na ngayon na tayo'y magtatapos na, parang ayaw na natin umalis. Kahit 'di natin napansin, natututo tayong mahalin ang ating paaralan at ang mga tao dito, tulad ng mga kaklase, guro, kasapi ng administrasyon, janitor, tagabenta sa cafeteria, at kahit mga pusa na gumagala kung saan-saan lamang. Sana pareho ang mangyayari sa mga bagong pupuntahan nating lahat, kahit kung saan man iyon.
Ars Poetica ni Paco Latinazo
ARS POETICA:
Pagbasa mo nito, parang ang gulo agad
Sobrang mangangati ka na parang na-higad
Hindi mo pa nga alam ang paksa
Kahit ganito, tuloy ka paring nagbabasa
Hindi mo agad nakikita, ngunit ika'y naaaliw
Sa tingin mo'y ang nagsulat ay baliw
Ang daming salitang napakahaba at magulo
Minsa'y pagtingin mo'y nasisiraan ka ng ulo
Magbasa ka pa, at makikita mo
Ang paksa ay nakatago sa likod ng gulo
Lahat ng imahe ay nakabaliktad
Dahil dito, 'di mo nakita agad
Ngayon at nauunawan, ika'y napangiti
Pwede na tumigil? Malamang hindi!
Mararamdaman mo rin ang mga damdamin
Na sumasabay sa galaw ng hangin
O, nakikita mo na ba ang ganda
Kahit unang 'di mo maintindihan ang akda?
Nakatago lamang ang mahahalaga
Hindi lahat sa unang pagbasa ay iyong makikita.

Talumpati ni Argyll Bongosia
“Ang Dapat Mabatid ng Atenista”
Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng mga taong nakatulong sa aking pagtatapos: Mga guro, magulang, administrador, punong-guro, taga-linis, tsuper, mga magaaral at sa lahat ng aking mga kaklase. Apat na taon na tayo magkasama, minamahal kong mga kasabay magtapos (Batch 2011). Naniniwala ako na lahat tayo dito ay kabilang sa iisang pamilya. Mga kapwa-magaaral, naniniwala ako dito dahil sabay-sabay tayong nagdarasal, nag-aaral, naglalaro, nag-uusap, kumakain, at nabibiyayaan.
Bilang mga Atenista, tayo’y tinrato tila mga agila, matulin at mabilis na naglalalakbay sa himpapawid. Isang daan at limang pu’t isang taon ang nakalipas nung nagsimula ang ating “tradisyon ng kahusayan”. Kabutihan at katangi-tanging katalinuhan ang itinuturo sa atin ng paaralang ito. Kaya mga Atenista, ipakita natin kung sino tayo. Ngunit dahan-dahan lang! ‘Wag tayo maging mayabang, makasarili, at sakim. Tayo’y hinubog upang bumaba tayo sa bundok at makibahagi para maibsan ang kahirapan. Hindi pa sapat ang ating pagbabasbas ng pangangailangan. Dapat lampasan natin ang mga sakop ng ating kaginhawaan.
Balang araw, ang pangalan mo’y mabubunyag. Paaralan mo’y makikita bilang batayan ng iyong katauhan. At sa pagtatapos ng aking sasabihin, hayaan niyong bigyan ko kayo ng isang paguyam: Lumipad ka Atenista ngunit ‘wag mong kalimutan na dapat ang paa mo’y nakatapak pa rin sa lupa.
Ars Poetica ni Argyll Bongosia
“Bigas at Poetry”
Wala akong maisulat sa papel na ito
Mag-isip! Mag-isip!
Wala akong naiiisip kundi kumain sa Jollibee
Mag-isip!
Tula nang tula, wala naming maisulat
Trying hard ba si ermat?
Pauwi na ako
Ina’y hinahanap, ‘di ko makita
Kusina’y aking tinakbuhan
O! Bigas ang narito!
Nakalimutang magsaing,
Wala na naming pagkain
Kung sa Jollibee na lang kaya
Para makakain ng masarap…
Ah ganun pala ang poetry
Isang dumadaloy na kuwento
Lalo na at sari-sari pa ang nilalaman
Isabay sa kanin, o kay sarap!
Ngunit bigas pa lang ang nasa harap
Busog at nakaisip na ako
Talumpati ni Jam Pascual
Kayabangan
Maraming mga magulang na akala na lahat ng Atenista ay magaling. Mas lalo pa kung ang kanilang anak mismo ay nag-aaral sa Ateneo. Siguro, para sa ilang Atenista, ito ay tama. May mga mahilig mag-basketbol, may iba na matalino sa arithmetic, may iba na magaling gumuhit o magsulat ng mga kanta.

Pero kung nag-aaral tayo sa Ateneo, hindi ibig sabihin agad na lahot tayo ay mga mahusay na estudyante. Pwede akong sasabihin mula sa personal na karanasan na tama ito, dahil ako ay isa sa mga estudyante na nagkaroon ng mga mababang grado. Minsan nga, nagkaroon pa ako ng mga sanction.
Subalit, sa tingin ng maraming tao, ako’y isang sobrang magandang ehemplo para sa ibang mga estudyante. Minsan, kung nagbibisita ang mga tita o tito ko, sila’y humihirit ng “Kamusta na ang Ateneo! Ilang mga gerlpren ka na! CHOS. At siguro mataas din ang mga grado mo ano?” Weh.
Ito ang pinakapunto ko. Lahat ng mga Atenista ay mayabang. Pati ako.
Tignan natin ang mga 5 C’s. Compassion, Competence, Conscience, Commitment, Christ-Centeredness. Tapos, may Ad Majorem Dei Gloriam, Mens Sana En Corpore Sano, Lux In Domino, ang kung ano pang mga Latin na talinghaga. Pero, kung ang Atenista ay mayabang, ano ang halaga ng mga birtud na ito. Kailangang maging mapagpakumbaba para maging tunay na Atenista.
O pwede, dahil sa kultura ngayon, ang magiging mapagpakumbaba ay ang pag-iwan ng pagiging Atenista. Sa tingin ko, mas magaling iyon.
Isipin mo. Halimabawa, nasa honors section ka, mataas ang lahat ng mga deprtment marks mo, may six-pack abs ka, at maganda pa ang kasintahan mo! Lahat ng mga ito ay magandang bagay, at maraming tao’y nagseselos para magkaroon nito. Pero, kung mayabang ka, magiging masama ang isip ng maraming tao sa iyo. “Sus. Ang yabang niya. Akala niya siya’y tipong Diyos. Pero hindi ugali niya.” Ano ang halaga ng mga magandang bagay na ito kung nag-iisa ka lamang. Paglipas ng mga ilang buwan, pati ang kasintahan mo’y mag-iwan sa ‘yo dahil sa inyong kayabangan.
Huwag maging mayabang. Ang tunay na Kristiyano ay alam na maraming tao sa mundo ay mas magaling kaysa sa kanya. Alam niya na marami sa kaniyang kapwa ay kailangan ng tulong, lalo na ang mga mahirap. Alam niya na hindi lang grado at pagnanalo sa paligsahan ay determinahin ang kaniyang pakatao.
Alam niya na dapat maging mapagpakumbaba.
Ars Poetica ni Mico Acupan
“Pagtutula at pagbabaraha”(Ars Poetica)
Ang pagtutula ay maaring maihalintulad sa…
Paglalaro ng baraha
Minsan, you feel really lucky
Minsan you feel really sloppy
Pero nonetheless, good draw or bad draw…
You still play on anyway.
Habang naglalaro ka, it’s all about using your head…
Pinagiisipan mo talaga kung ano ang mga barahang ilalaro mo.
Pinagiisipan mo rin kung paano magrereact sa mga moves mo ang iyong mga kalaban. Utakan kasi.
Minsan nakabababa ka ng royal flush o kaya full house.
Minsan naman, wala kang maibaba.
Pero no matter what happens.
You just keep playing. Masaya naman maglaro at gagaling ka rin naman.
Sanayin at pahusayin mo ang iyong estilo ng paglalaro
At pag magaling ka na…
Show off your skills naman kahit paano diba?
Huwag ka lang magpapaka bano.
Boring kasi ang manlalarong walang ka effort-effort.
Talumpati ni Mico Acupan
Ang Dapat Mabatid ng Atenista
Maliban sa katotohanan ng pagkabilis-bilis ng paglipas ng ating mga panahon, kailangan din natin intindihin na hindi marami ang bilang ng ating mga pagkakataon upang magpakitang gilas at sulitin ang mga panahon natin lalo na sa mataas na paaralan. Ilang beses ba tayo magiging isang estudyante sa mataas na paaralan? Hindi ba apat na beses lang, o apat na taon lamang ang inilaan para sa atin para maging estudyante sa mataas na paaralan? Ilang beses ba natin kayang makakamit ng mga gantimpala sa isang markahan? `Diba isang beses lamang kada markahan?
Sana naman intindihin natin lahat na napakabilis at napaka kaunti ang ating mga panahon at mga pagkakataon sa ating paglalakbay sa Ateneo. Kung may panahon tayong gumawa ng napakagaling na bagay, bakit naman natin hindi gagawin? Sulitin na natin ang lahat ng ating mga panahon at pagkakataon para wala nang sisihan sa huli!
Ars Poetica ni Jolo Roman
Kapag Ako’y Tumutula
Kapag ako’y tumutula,
Pinapagana ko ang lahat ng aking kaalaman at kapangyarihang lumikha.
Sapagkat ang pagtula ay tila gumagawa ng isang gusali
Na kapag pangit, walang taong mawiwili.
At kapag hindi matibay,
Tiyak na ito, sa kahit ano, ay masusuway.
Kapag ako’y tumutula,
Iniisip ko ang aking kubeta
Sapagkat kapag ako’y tumutula, tila pinapaandar ko ang lababo na walang pahinga.
At kapag ang tula ko ay marumi,
Mapupunta ito kung saan napupunta ang aking ihi.
Kapag ako’y tumutula, ako ay isang kriminal
Na walang pakialam sa mga batas na pinaiiral.
Sulat lang nang sulat,
Di alam kung saan ang dadatnan.
Binabalewala ang sukat, ritmo at tugmaan.
Sa tingin ko kapag ako’y tumutula,
Ako lang ang tao, nawawala ang madla.
Pakiramdam ko ako ang hari ng mundo,
Kapag hawak ko ang Pilot bolpen ko.

Talumpati ni Rolf Ponce
Ang Huling Hirit
Mga kapwa Atenista, nais ko sanang magbahagi ng ilang mga salit tulad ng pagpapayo ng isang kuya sa mga nakababata niyang kapatid. Sa tagal ko na rito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, marami akong nalaman at nahubog na mga kakayanan. Ngunit, higit ditto, ang pinakadidikit sa akin ay ang mga nahubog sa aking pagkatao.
Mumulatin ka ng Ateneo sa totoong mundo sa labas. Dahil sa pagkamulat na ito, maiintindihan at madali mong maisasabuhay ang 5 C’s. Bilang Kristiyano o kahit hindi man, maiintindihan at rerespetuhin mo rin ang misyon ni Hesukristo. Makikita at maiintindihan mo rin kung bakit malaki ang malasakit o “compassion” niya sa mga mahihirap at matututo kang makiramay sa mga dukha. Mahuhubog din ang isang mabuting konsiyensiya sa iyo dahil dito. Dahil sa mga ito, matututo kang manindigan o “magcommit” sa mga “misyon” mo sa buhay. At kung marunong kang manindigan, mas makikipagsapalaran ka sa buhay (competence). Lahat ito, makakamit mo lang kapag malapit ka nang magtapos. Sigurado ako rito dahil sa ikaapat na taon mo lang mararanasan kung gaano ka talaga inaasahan ng mga tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng TD tutoring. Nagpapasalamat ako sa pagluluto sa amin ni Ginoong Brazal dahil mas natuto ako sa mga pagpapahirap niya kaysa sa pagiging “sobrag protektado” ko sa kamay ng mga magulang ko. Sana maging guro niyo rin siya sa ikaapat na taon ninyo sa Ateneo.
Sana hindi kayo nakatulog sa nakababagot kong pagbabahagi. Hindi naman importante sa akin kung maalala man ninyo ako sa hinaharap. Ang sa akin lang, sana malugod ninyong abangan ang mga mangyayari pa sa buhay ninyo rito. Huwag ninyo sanang gayahin ang iba ngunit, gawin ninyo lahat para maranasan at matikman ninyo ang lahat ng kaya ninyo habang nandito pa kayo.

Ars Poetica ni Rolf Ponce
Si Tula
Heto na si Tula, ang burara sa salita,
Dumadakdak-dakdak.
Ng kung anu-ano,
Tungkol sa kung sinu-sino.
Ngunit kung titingnang mabuti,
At tagalan ang pagmumuni-muni,
Mahalaga at nakaaaliw ang karamihan sa kanyang mga sinasabi.
Tunay nga namang mahalaga, ang kaibigan natin si Tula.

Talumpati ni Anton Cano
Apat na Taon sa Isang Iglap
Sa loob ng apat na taon ng pag-aaral sa Mataas na Paaralang Ateneo, masasabi kong marami akong mga karansan na hinding-hindi ko malilimutan. Maraming mga kaklase at guro ang nagpabago o nagpalinaw sa aking mga pananaw. May ilang mga sugat na nagsilbing pagkakataon upang mas matuto pa at maging malakas.
Kaya ngayong magtatapos na kami sa Mataas na Paaralan, nais kong ipayo sa lahat ng mga Atenista na pahalagahan nila ang bawat segundo na igugugol nila dito. Naaalala ko pa noong unang araw ng unang taon ko. Sinabi sa amin ni Padre Hizon na sa Mataas na Paaralan magsisimula ang pinakamasayang taon ng aming mga buhay. Ngayong nasa ika-4 na taon na ako, masasabi kong sang-ayon ako sa sinabi ng punong-guro. Tunay ngang maraming masasayang karanasan sa mataas na paaralan. Sa silid-paaralan pa nga lamang ay ‘di na mapigilan ang halakhakan ng bawat estudyante. Bukod sa kasiyahan, marami ring pagkakataong ako’y nadapa. May mga pagkakataon na kinailangan kong gawin ang ilang mga bagay kung saan ‘di talaga ako komportable. Isang halimbawa ay ang pag-arte ko noong ikatlong taon para sa proyekto naming “Dulaan.” Talagang likas sa pagatao ko ang pagiging mahiyain at ‘di ako sanay na umarte sa harap ng isang madla. Pero sa huli, nagawa ko rin ang pag-arte at kahit papaano, mas naging maayos ang pagpresenta ko sa aking sarili. Bukod sa pag-arte, marami pang ibang gawain tulad ng pagsayaw o pagkanta ang naranasan ko. At dahil sa mga gawaing ito, mas lumawak ang aking kaalaman sa bawat araw na lumipas.
Sa huli, nais ko lang ibahagi na sa kabila ng hirap at saya, maraming magagandang bunga ang pag-aaral sa Ateneo. Minsan pakiramdam ko’y walang katapusan ang pagdagsa ng mga problema. Kung minsan naman tila ako ang pinakamasaya na tao. Kaya anuman ang mararanasan ninyong nagsisimula pa lamang sa Mataas na Paaralan, tiyakin ninyo na susulitin ninyo ang bawat sandali kasama ang mga kaklase, kaibigan, pati na ang mga guro. Sa apat na taon na puno ng mga ‘di malilimutang pangyayari, hindi ninyo mamamalayan kung gaano kabilis ang buhay dito sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila.
Ars Poetica ni Anton Cano
Kung Paano Ako Tumula
Tuwing ako’y nagsusulat ng isang tula,
Lagi kong iniisip kung ano ang mahalaga.
May mensahe ba ako na nais iparating?
O nais lang magsulat ng kung anu-anong bagay
na wala naman talagang katuturan.
Madalas mga simpleng salita ang nais gamitin
Para madaling makuha ng sinumang magbabasa
Ang nais ipahayag ng aking mga salita.
Kung minsan ang mga salita’y maaaring maging malalim
Upang magpinta ng isang larawang
Iba-iba ang maaaring maging ibig sabihin,
Depende sa pagkakaintindi ng bawat mambabasa.
Huwag mag-alala kung minsan tila walang maisulat
Mag-antay lang sandali at darating ang inspirasyon.
Parang isang regalo na ‘di mo inaasahan
Ang isang ideya na darating.
Ito’y siguradong magpapakulay
Sa anumang obrang nais gawin.
Talumpati ni Jerome Dominguez
Sa tinagal-tagal ko dito sa mataas na paaralan ng ateneo ay nais ko lamang pasalamatan ang isang grupo ng mga tao : ang aking mga guro, lalo na ang aking mga guro sa matematika. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kelan sa buhay ko magagamit ang “trigonometric identities” o “exponential functions”. Kapag ikakasal ako hihingin ko ba ang cake na may “2pi radian base with a height of 3 feet and a mass of 12.63 x 10^3”? O kaya kapag bibili ako ng kotse ay tatanungin ko ang “frictional force” sa gulong nito kapag timatakbo sa basing kalye? Oo, hindi ko naman talaga magagamit ang mga tinuturong mga leksyon ng mga guro ko. Ngunit, kung hindi nila ipinako sa utak ko na kailangan kong makakuha ng matataas na mga marka sa mga asignaturang ito sa pamamagitan ng pagdiin sa aking mukha na mababa ako sa mga ito ay hindi ko matututunan na sumikap ang maghirap para sa mga nais kong makamit. Oo, hindi ko naman talaga gagamitin ang “impulse-momentum theory” o ang “systems of equations” sa buhay ko pero ang mga aral na ipinamana ng aking mga guro sa pamamagitan ng mga kasumpa-sumpang mga leksyon na ito ang siyang dadalhin ko kahit saan man ako mapadpad maging sa Ateneo man ito, La Salle, UP, MIT, Harvard o sa mcdo bilang isang cashier.
Ars Poetica ni Jerome Dominguez
Paano nga ba ito sisimulan
Bago ang lahat,pumili muna ng paksa
Isang bagay na kanais-nais
Para mapuno ang madla ng gana
Ingatan ang pagpili sa gagamiting salita
Dahil di pagkaunawa ng madla ay
Masamang balita
Baka nga iba pa ang kanilang
Maging pagkakaintindi
Mahiap at malalim na salita
Ang madalas nitong sanhi
Ipagsama na ang mga salita at itali
Ingatan lang na di malayo sa paksang napili
Gawing matamis at kaakit-akit ang pagsulat
Nang mapuno ang madla ng saya at galak.
Talumpati ni Alden Tinimbang
OBRA
Ang mataas na paaralan ay parang isang obra . Ang kinalabasan o kakalabasan nito ay nagmula sa atin. Ito may naging masaya o malungot ay walang masisi kundi tayo din. Ang bawat pangyayari ay nakabatay sa mga aksyon at mga reaksyon natin sa mga nagaganap sa ating kapaligiran.
Kung tutuusin naiiba talaga ang ating mga karanasan sa mataas na paaralan. May iba sa atin bumabagsak sa mathematica, mayroon na mang kinaiinisan ng kanilang guro at mayroon din halos di kapansin-pansin. Lahat ito’y nagmula sa ating personalidad at mga kapabilidad. Parang pagnapintura ka ng larawan iba iba ang kalalabasan batay sa kung ano ang ginamit na sangkap at kung saan ito pininta.
Ngayon na nagtapos na ang mataas na paaralan, nagusuhan niyo ba ang kinalabasan ng obra niyo? Ito ba ang iyong inasahan makamit pagkatapos ng apat na taon? Tapos na ito, wala na tayong magagawa upang ibahin ang kinalabasan. Ang tanging magagawa na lamang ay ang matuto sa mga pagkakamali at ipagbuti pa ang mga tamang gawain.
Patungo na tayo sa isa pang kabanata ng buhay natin. Isa pa uling pagkakataon na gumawa ng obra na ayon sa ating panglasa. Panibagong pagkakataon na baguhin ang sarili. Sana’y magamit natin ito ng mabuti.
Ars Poetica ni Alden Tinimbang
PASO
Ang pagsulat ng tula ay tulad ng pagawa ng paso
Bawat dampi ay bumabago sa itsura ng likha
Bawat emosyon, bawat hinga, bawat kumpas ng kamay
Ay lumilikha ng bagong desenyo
At sa huli pagtumigil na ang pagikot ng makina lilitaw
Ang bahagi ng manlilikha.

Talumpati ni Jolo Roman
Ang Pinakanabatid ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo
Patapos na ang mga araw ko sa mataas na paaralan. Hindi ako sigurado kung anong natutunan ko at kung mayroon man, paano ko ito gagamitin. Ngunit, marami akong nabatid. Sa tingin ko, iba ang mga natututunan sa mga nababatid sapagkat hindi natin puwedeng matutunan sa klase ang mga nababatid natin. Marami talaga akong nabatid, tulad ng kung mahuli tayo sa klase, huwag tayong dumiretso sa klase kundi sa APSA. Isa pa ay may posibilidad na pumasa ng long test na hindi nag-aaral kung makining tayo sa klase nang maayos.
Marami nga akong nabatid, pero mayroon akong pinakanabatid, isang bagay na kung nalaman kong mas maaga ay napadali ang pananatili ko sa mataas na paaralan. Nabatid ko na dapat talagang seryosohin ang pananatili sa mataas na paaralan. Hindi ito laro na parang mababang paaralan na puro basketbol lang at konting aral. Noong simula, hindi ko sineseryoso ang mataas na paaralan kasi inakala ko sa kolehiyo natututunan ang mga “life skills.” Kung gusto ng isang taong maging doktor, abogado o ininhiyero, nalaman ko, na nagsisimula sa mataas na paaralan ang paghubog ng mga kakayahan at kaalaman para sa mga ito. Hindi nagsisimula sa kolehiyo ang proseso ng paghahanda kung ano ang gusto natin maging sa buhay.
Ngayon, ibig sabihin ko sa “seryosohin” ay hindi lang sa pamamagitan ng pagkamit ng mataas na grado. Kailangan talagang yakapin ang mga hilig natin, at isang paraan lamang ang pagkuha ng matataas na grado. Ang pagsali sa mga samahan ay isang importanteng bagay din. Dahil sa mga ito, naaalagaan ang mga talento at nababahagi sa iba’t ibang klaseng mga estudyante at guro. Ako, bilang puno ng samang Ekonomiks ng mataas na paaralan, nabatid ko na mahilig akong magtayo ng negosyo at ngayon kasama na sa plano ko na magtayo ng sariling negosyo paglaki ko. Ang pagiging opisyal ng klase ay isa ring bagay na minamaliit ngunit dapat bigyan ng pansin. Bilang ingat-yaman ng klase, nabatid ko na kailangan maging matatag at matipuno bilang isang pinuno para makakuha ng respeto. Binoboto ang isang mag-aaral hindi dahil sa popularidad, kundi dahil sa kakayahan. Dahil dito, kailangan talagang seryosohin ang pagiging opisyal ng klase.
Lahat ng aspeto ng mataas na paaralan ay tumuturo sa isang bagay. Ito ay ang daan sa ating kinabukasan. Dito nagtatapos ang paglalaro at ang simula ng pagiging isang tunay na lalaki. Bilang pagtatapos, kailangang yakapin ang mga hilig, talento at ang iba’t ibang mga asal habang nasa mataas na paaralan pa lang. Kailangang gawing pugad ang mataas na paaralan upang mabuka ang mga pakpak na magdadala sa atin sa tuktok ng bundok.

Talumpati ni Billy Atienza
Ngayon na magtatapos na ako, marami akong gustong sabihin. Sa labindalawang taon ko rito sa Ateneo, at apat na taon ko sa Mataas na Paaralan, marami akong naranasang masaya, at marami ring masama. Kung sasabihin ko ang lahat ng mga ito, and lahat ng gusto kong sabihin, aabot tayo sa Graduation 2012. Kaya sabihin ko na lang ang mga pinakaimportanteng mga karanasan ko, at ang mga bagay na itinuro nila sa akin.
Sa unang taon ko dito, medyo masama ang karanasan ko. Halos wala akong kaibigan sa aking klase, at hindi pa ako sanay sa masmaraming mga kailangang gawin kumpara sa grade school. Pero dahil diyan natutunan kong ipaglaban ang aking sarili, at mas tumaas ang tiwala ko sa aking sarili. Pagkatapos ng unang taon ko, napakasaya ko nang magkaroon ako ng bagong klase. Sa aking pangalawang taon, masmarami ang nagawa ko sa mga pangyayari sa paaralan. Maliban sa bago kong klase ng 2C, kung saan may marami akong kaibigan, nagiging masmarami and nagawa ko para sa aking organisasyon. Dito ako natuto na pwede naman maganda ang karanasan ko sa Mataas na Paaralan. Natutuhan ko ring minsan, masama ang nagyayari sayo, at minsan mabuti, pero hindi mo kayang isubaybayan ang lahat ng bagay. Sa pangatlong taon ko, naging mas aktibo pa ako sa aking organisasyon, at ako ay naging isang officer dito. Sa mga klase ko naman, nagpapahirap sa akin ang maraming mga leksyon at proyekto, pero dahil tulong ng aking mga kaklase at mga ibang kaibigan, nagtagumpay ako. Natuto ko na napaka-importante ang mga kaibigan ko, hindi lang sa paglalaro, pero sa pagtrabaho rin. Ang huling taon ko rito ay ang pinakamahirap, at ang pinakamaganda. Dahil sa mga proyekto, at paghahanda sa kolehiyo, marami ang kailangan kong gawin. Naging org head pa ako. Pagkatapos ng unang term, parang hindi ko na kaya. Natutunan ko rito na napakaimportante ang pagiging masipag.
Oo, malungkot ako na kilangan ko nang umalis, dahil napakakomportable na ako rito, o dahil natatakot pa ako sa kinabukasan. Pero alam ko na handang-handa na ako para sa kahit anong mangyayari sa akin. Handa na akong umalis dito at hanapin ang mga bagong kaibigan, bagong aral, bagong hamon, at bagong oportunidad. kaya magpasalamat na lang ako sa lahat ng tao na tumulong sa akin dito. Mga guro, mga kaklase, mga kaibigan. Salamat sa inyong lahat, hindi ko makalimutan kayo. Pero handa na akong umalis, at hindi ako tatalikod.

Ars Poetica ni Billy Atienza
Tinatakip ng ulap ang buwan
Bago dumating ang bagyo
Tumatakbo and mga aso
Mga pusa, mga tao sa ampunan
Magsimula sa isang patak ng ulan, itim na ulan
Walang alam kung saan
Walang alam kung kailan
Lahat nagtatago bago dumating ang bagyo
Ng madilim na tinta ng bolpen ko

Ars Poetica ni Rz Toledo
Tula tula tulala
Halu-halong mga salita
Iba-iba ngunit may pagkakaisa
Iyan ang tula
Kahit sino puwedeng bumasa
Dahil ito’y ginawa para sa kanila.
Halu-halong mga salita
Iba-iba ngunit may pagkakaisa
Iyan ang tula
Kahit sino puwedeng bumasa
Dahil ito’y ginawa para sa kanila.
Talumpati ni Rz Toledo
Apat na taon sa mataas na paaralan ng Ateneo at sa lahat ng mga aking natutunan iisa lang ang aking ‘di makakalimutan. Ito ang pagmamahal sa iyong ginagawa.
Dito sa Ateneo, natuklasan at napagaling ang aking mga kakayahan at hinding hindi ko ito magagawa kung hindi ko minahal ang aking mga ginagawa. Binigyan ako ng Diyos ng talent sa sining, musika at sa larangan ng palakasan. Ginamit ko lahat ito sa pamamagitan ng pagsali sa mga paligsahan na ginaganap taon-taon sa mataas na paaralan ng Ateneo tuwing buwan ng wika or Ani-mo Ani-ko. Nagagamit ko rin ito sa mga paligsahan sa labas ng paaralan tulad ng UAAP, pagtugtog kasama ang iba pang mga musikero at iba pang mga paligsahan na nasa ilalim ng larangan ng sining. Dahil sa mga pagkakataong naibigay sakin natuklasan ko ang aking mga kalakasan sa mga larangang ito. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya tuwing ako’y sasali sa mga paligsahan na iyon at dahil sa aking pagihihirap napatunayan ko ang aking pagmamahal sa mga talentong ito sa pamamagitan ng pagkapanalo ng mga gantimpala.
Siguradong madadala ko itong leksyon na ito sa labas ng aking paaralan at mapapatunayan ko na kung mahalin mo ang iyong mga talento at mga ginagawa ikaw ay magwawagi.

Ars Poetica ni JB Bueno
Gago (Ars Poetica)
Ars Poetica Para bang matematika
Raming kombinasyon, iisa lang naman ang konklusyon
Sangkatutak na salita, di lahat biahasa
Animoy chopsuey, halo halong ideya baka sakali tumama
Di naman makata, magaling lang talaga mambola
Pag katapos ng ilang taludtod, ikay rin magsasawa
Nakakasawa parang lumang laruan, sa dami dami parang basura sa katipunan
Pero pag sa akin nabasa mo, potek pare, ganda, walang biro
Font pa lang, parang scriba ng ancient rome at mesapotamia
Kapag binasa mo pa, ikay mapapaluha
Sapagkat sa estilong walang makakapareha
Sa usage of words, irony, metapora, tadtad sa makata
Shit, alam mo yun? Dugo na ilong mo pero tuloy pa rin
Kasi sa kagandahan ng akda, na agwa niya ang iyong pansin
Siguro kung tutuloy ko pa to, malamang lalabo.
Kaya isipin niyo na lang.
Pag dating sa sulat kong kay sobrang labo,
Di mo maiwasan na maramdaman ikay na gagago
Pero sa huli ikaw unti unting napapa ngiti
Kasi sa katapusan ng lahat
Yun naman talaga ang aking pakay
Upang ngumiti ka pag katapos ng tulang tila sablay.

Talumpati ni JB Bueno
Mga kaibigan, Pahiram niyo saakin ang inyong mga tenga hindi man ako si julio caesar o isang tao ng karanglan. Pagbigyan niyo na ako, 5 minutes lang mga tol, pasalitain niyo lang ako, inspiring to promise. Diba imbes na makipag usap kayo sa katabi niyo tungkol sa presyo ng mais, saakin na lang kayo makinig baka may matutunan pa kayo. Total labing dalawang taon na ako nag aaral dito, expert na ako halos. Biro ninyo, sino makakapag isip na papayag ang isang estyudante na umupo sa silid aralan at makinig ng paulit ulit sa mga leksyon na matagal na niyang natutunan, hirap nun, katamad rin. Pero alam ninyo pagkatapos ng lahat ng napagdaanan ko, masasabi ko, pare mahirap pero kaya. Malabo? oo, medyo, pero isipin mo. Hindi naman talaga mahirap mag-aral, akal niyo lang yan, feeling niyo walang oras, pero sa katotohanan you have all the time in the world. Prioridad lang talaga, yun na siguro ang pinaka importanteng bagay na maibabahagi ko sa inyo. Sa buhay kasi naatin, bro maraming choices diyan. Kailangan lang talaga na alam mo kung ano ang dapat mong gawin sa kalangan mong gawin. May mga bagay talaga na mag sasabay niyan, it's all up to you pare kung ano ang gagawin mo. Walang ibang tao na makakapagtakbo ng buhay mo. Ikaw lang, ikaw lang ang may kapangyarihan, it's all on you.
Talumpati ni Carlo Villacastin
Maraming nagsasabi na ang isang Atenista’y responsable, mahusay sa pag-aaral o di kaya’y mahusay sa ibang mga larangan. Lahat ng mga katangiang ito ay magaganda, ngunit ang totoo’y hindi lahat ng Atenista ay may ganitong mga katangian. Hindi Lahat sa atin ang nakapaglinkod sa iba, na isa sa mga layunin ng Ateneo para sa kanyang mga estudyante.
Sa paglagom at pagtingin ko sa aking mga karanasan sa Mataas na Paaralan, masasabi ko na isa ako sa mga iyon. Natatandaan ko ang mga pagkakataong pinalampas ko, mga bagay na hindi ko nagawa, dahil sa takot ko sa mga reaksyon ng mga tao. Sa bawat pagninilay ko ng aking buhay sa Mataas na Paaralan, kakaunti lamang ang naiisip kong mga napakasaya at maaalalang mga karanasan, hindi tulad ng iba. Naalala ko ang salitang “Carpe Diem” o “seize the day” na sinabi sa akin ng aking guro noong ikatlong taon. Tuwing naalala ko ang mga salitang ito, naaalala ko ang mga pagkakataong di ko sinamalanta, kaya iniisip ko na babawi na lang ako sa kolehiyo. Ngunit para sa inyo, kayong hindi pa aalis ng mataas na paaralan, iisa lamang ang payo ko sa inyo: “Carpe Diem”. Sa mga hindi pa sumusunod sa kasabihang ito, sundin niyo nang buong puso. Namnamin ninyo ang bawat hakbang at bawat hiniga ninyo dito sa mataas na paaralan sapagkat ang pagiging estudaynte dito ay nangyayari lamang ng isang beses sa buhay niyo. Huwag kayong gumaya sa mga tulad ko na sa bandang huli lamang natuklasan ang ganda at saya ng buhay sa mataas na paaralan.
Isang beses lamang mangyayari sa buhay ng isang tao ang pagiging estudyante sa mataas na paaralan. Sa apat taong ito, gawin ninyo ang makakaya ninyo sa oras na inalaan sa inyo.

Ars Poetica ni Carlo Villacastin
Sa pagsulat ng tula, kailangan may inspirasyon
Para lumagom ang paksa
Kailangang may talinhaga ang tula
Kahit kaunti lamang ay sapat na.
Halimbawa, ang tula’y dapat isang bituin
Na kumikislap sa dagat ng salita
O ‘di kaya’y ang tula ay isang agilang
Lumilipad sa langit ng buong laya at tuwa.

Ars Poetica ni Charles Villarreal
Kapag ako'y tumutula
Gusto ko ay yung malaya
Kailangan ding inspired
At lalong-lalo na dapat hindi tired.
Kasi 'pag ako'y may minamahal
Ang mga salita sa isip ko'y lumalabas nang bukal.
Walang katapusang kaisipan,
Walang katapusang karanasan.
Gusto ko rin yung mga tugmaan.
O kay sarap pakinggan.
Ang ayoko lang kapag ako'y tumutula
Ay yung wala naman akong mapapala.

Subscribe to:
Posts (Atom)